Chapter 34: Identification Friend or Foe

189 18 10
                                    

Felicine

"Ma'am, sorry po kung ngayon lang ako magpapasa nung organizational chart about Orpheus." Sabi ko at tsaka inilahad ang papel kay ma'am. Sana naman ay tanggapin niya.

Last last week pa dapat ito kaso sa dami ng pangyayari, nawala sa isip ko ang organizational chart. Pinaghirapan pa naman 'yon ni Eudayme.

She sighed. "Sige. Tatanggapin ko. Tutal, alam kong marami ang nangyari last last week. I'll consider it." She said. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "You may go."

Nagpasalamat naman ako sa kanya bago umalis sa faculty room. Tiningnan ko ang oras sa phone screen ko. It's just 7:30 am. 30 minutes pa bago magring ang bell.

The morning breeze crawled to my skin as I walk in the campus. Marami-rami na rin ang estudyante dito. 'Yung iba nagtatambay, 'yung iba nakikipagchikahan, 'yung iba may hawak-hawak na libro o kaya notes at marami pang iba. 

He's just somewhere near you. 

Cali's voice rang inside my head. Sabi niya, iyon daw ang huling sinabi ni Adrianna sa akin bago niya tuluyang maitusok ang syringe sa kanya. I wonder who could it be?

Kung pag-uusapan natin ang tungkol sa lalaking malapit sa akin, ang pinakamalapit ay sina Cali at Eudayme. 

Si Eudayme? Nah! Can't be. He was victimize by that organization before. He can't be the mastermind, can he? He doesn't have any reason for creating these things, as far as I know, that is.

Cali? I doubt. Pero kasi, pwede niyang gawin ito out of boredom 'di ba? But that would be too ironic so no.

"Felicine!" 

How about Inspector Madrigal? Hmm... since inspector siya, he has fully control of the investigations. He can easily manipulate any informations. Pwede niya ring utusan ang mga kasamahan niya, 'di ba? But if we're going to base from the intelligence-- No offense meant -- I doubt.  

"Felicine!" Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humila sa kamay ko. Goosebumps appeared on my arms when it had physical contact to a cold hand. Napalingon ako at nakita ang lalaking nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang tuhod at ang isa naman ay nakahawak sa akin. He's catching his breath and has a curly hair.

I squinted my eyes at him when he started to straighten up. Saan ko nga siya ulit nakita? Napatingin naman ako sa kanyang ID. I saw that his name is Xachary Levi. Xachary... Napalaki naman ang mata ko ng maalala kung saan ko siya nakita. 

He's part of the council, Xachary Levi, the PRO. Siya din 'yung nakasama namin ni Cali sa paghanap kung sino ang naglagay ng bomb sa loob ng faculty room. It turned out to be the late Sir Leonardo.

"Hay Salamat at nahabol din kita!" sabi niya sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kamay. "It's been a while, huh?"

"Yeah, it's been a while." I replied, nodding my head.

"I'm sorry for what had happened to your friend." He said, then looked at my bracelet. "Grieving about someone's death is hard, especially if they're close to you."

"Yeah, you're right. Hindi naging madali sa akin ang pagtanggap about sa nangyari. Umabsent pa nga ako ng ilang araw eh." sabi ko sa kanya. Napatigil naman ako ng maramdaman kong parang may mali. "How did you know na friends kami? Only few knows that."

I squinted my eyes. Sa pagkakaalam ko kasi, unti lang talaga ang may alam na magkaibigan kami. At tsaka, what's with the look on my bracelet?

"Ah! Nag-order kasi siya ng customized friendship bracelet sa kapatid ko. Napansin kong ganyan 'yung ginawa niya kaya I assumed na kaibigan mo siya." He said. Now that explains why. "By the way, did she something synonymous to I know him?"

Detective RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon