Chapter 11: Let's Play (Boom!)

502 36 15
                                    

Felicine

7:38 am

Nakatayo ako sa tapat ng pedestrian crossing, hinihintay ang signal para tumawid. Papunta ako ngayon sa school dahil ngayon ay Lunes. 

I'm a bit worried because of the letter that was sent to me by someone whom I didn't know. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa papel na iyon, everytime na ipipikit ko ang mga mata ko, bigla namang pumapasok ang message na nakasulat sa papel.

The letter says that we will hear three booms at school, does the boom mean bombs? I hope not. 

The mystery behind the intruder who lockpicked my unit remains a mystery, no one knows kung sino ang pumasok doon. 

Tumawid na ako ng kalsada nang makita kong pwede nang tumawid. Ilang hakbang na lang  ay makakarating na ako sa school. 

7:45 am

Pumasok na ako sa room, ibinaba ko na rin ang aking bag sa aking upuan. Pupunta ako sa rooftop kapag 7:50 na. Kinuha ko sa loob ng bag ang envelope, yeah, dinala ko ito para kapag kailangan ay meron ako. 

Medyo kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari kaya naman ay umupo na muna ako. Inilagay ko sa desk ko ang envelope at tinitigan ito, unti pa lang naman kami dito sa room, paniguradong marami ang late ngayon dahil Linggo kahapon.

I was just staring at the envelope when suddenly, someone tapped my right shoulder that made me flinch a bit. Napaharap naman ako sa kung sino man ang tumapik at nakita ko ang nakangiting si Adrianna. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Feli~" tawag niya sa akin. Bigla naman siyang napatingin sa envelope na nakapatong sa desk ko. Agad ko naman itong kinuha bago pa niya ako maunahan. "What was that?"

"Wala. Ano na pa lang oras?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa kayang relo para malaman kung anong oras na.

"7:51. Bakit?" sagot niya sa akin. Agad naman akong tumayo habang hawak-hawak ang envelope. "Saan ka pupunta? Mags-start na ang klase ah." 

"May pupuntahan lang, importante." sagot ko sa kanyang tanong. "Pasabi na lang kay Sir Danny na emergency." pahabol kong sabi sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.

"Mag-ingat ka Feli ah!" sigaw niya nang nasa may pinto na ako. I didn't answered her and immediately went to my destination.

I stopped in front of a vending machine. This running and at the same time being worried is making my throat dry. I inserted a coin at the vending machine and picked a canned coffee. As soon as I got my canned coffee, I didn't waste any time and immediately head to the rooftop.

I looked at my watch and saw that its already 7:55. Only five minutes before 8:00. I opened the coffee and drank it during my walk towards the rooftop. 

Nakarating na ako at binuksan ang pinto. 7:59 am. Napabuga ako ng hangin nang makarating ako ng tama sa oras. Inubos ko naman na ang coffee ko at sumandal sa railings.

Walang ibang tao dito sa taas kundi ako lang. Nasaan na kaya yung iba? According kasi dito sa letter, mayroon pang ibang pupunta dito aside from me, so where are they?

Bigla namang nagring ang bell senyales na magsisimula na ang mga klase, sabay naman ng bell ang pagbukas ng pinto at may nakita akong isang pigura na palabas ng pinto. Siya na yata ang isa pang detective na sinabi sa sulat.

Iniluwa nito ang isang lalaking umiinom ng isang canned coffee, magulo ang buhok at matangkad. May hawak-hawak rin siyang itim na envelope na may gold na border. Nang makalabas na siyang tuluyan ay nakita ko na ang mukha niya, si Cali pala, medyo nagulat ako dahil siya pala ang makakasama ko.

Detective RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon