Betty's P.O.V.
'Di ko alam kung saan ba talaga kami pupunta para lang mag-usap. Sakit na nga ng balakang ko kakalakad pero advantage na rin siguro 'to, baka sakaling mabawasan ang bigat ko.
Nagulat naman ako dahil bigla siyang tumigil. Nandito kami ngayon sa bridge na pinalilibutan ng lake. Humarap naman siya sa akin kaya yumuko naman ako.
"Look at me" sinunod ko naman ang sinabi niya kaya napangiti naman siya.
Huhu, ang pogi niya talaga nakakaiyak. Paano pa kaya 'pag tinanggal niya yung salamin niya? Baka isang buwan na akong umiyak, joke.
"A-ano bang sasabihin mo..?"
Tumingin naman siya sa langit kaya tumingin din ako. Ang aliwalas, walang kaulap-ulap.
"Betty, tanda mo pa ba yung mga kahihiyan na ginawa mo dati?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Lupa! Kainin mo na ako huhu akala ko nakalimutan niya na 'yon, hindi pa pala. Ito ba yung pag-uusapan namin? Yung mga kahihiyan na nagawa ko noon?
"Napapansin mo ba na lagi akong tumatawa tuwing nakikita ka?" Napatingin naman ako sa kaniya habang nakatingin pa rin siya sa langit.
Nalungkot naman ako sa tanong niya.
"O-oo.. kasi natatawa ka sa katabaan ko" gulat siyang napatingin sa akin.
"No Betty, that's not true. Hindi kita pinagtatawanan dahil mataba kundi ahm.. paano ko ba sasabihin 'to?" Sabay kamot sa ulo niya.
Cute.
"Pinagtatawanan kita kasi kinikilig ako" seryoso niyang sagot kaya nagulat naman ako sa sinabi niya at lumakas ang tibok ng puso ko.
"K-kinikilig ka? 'Di nga?"
"I'm serious, Betty. I like you since nung nag-transfer ka sa school" napangiti naman ako at the same time ay nalungkot.
"P-pero, bakit mo ako nagustuhan? Mas maraming babae diyan ang may gusto sayo na mga sexy at magaganda kaya bakit ako pa?"
Hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Naku, sana lang hindi niya marinig nakakahiya.
"Betty, hindi kita nagustuhan dahil sa physical appearance mo kundi nagustuhan kita dahil sa ugali. At saka sabihin na nga nating mataba ka pero mas maganda ka naman sa kanila hindi lang sa labas na anyo kundi sa loob din. Betty, kahit anong sabihin nila sayo wala akong pakielam basta gusto kita, iyon ang mahalaga" napaluha na lang ako dahil 'di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"M-marco pwede bang ihulog mo ako diyan sa lawa, baka nananaginip lang ako" natawa naman siya saka pinunasan ang luha ko.
"No, you're not dreaming Betty" sabay halik niya sa noo ko kaya napapikit naman ako.
"At saka tanda mo pa ba tuwing naghuhulog ka ng love letters sa locker ko?" Nakangiti niyang tanong kaya nagulat naman ako.
"P-paano mo nalaman 'yon?"
"Ang totoo niyan ay ako ang sumisilip sayo kapag naghuhulog ka ng love letters sa locker ko" namula naman ako dahil sa hiya.
"Kaya pala, parang napapansin ko laging may nakamasid sa akin. Ikaw lang pala 'yon" he chuckled.
"Oo at binasa ko lahat 'yon" lalo naman akong namula, nakakahiya pa naman yung mga sinusulat ko doon huhu.
"Let me court you, Betty" nagulat nanaman ako sa sinabi niya.
"Pagkatapos ng field trip pupunta ako sa bahay niyo at hihingi ng permiso sa magulang mo"
Iiyak na sana ako nang sabihin niyang..
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...