"Sila Por-- Pierce po ang nauna hindi sila"
"Tama po sir!"
"Sila po ang gumawa ng gulo"
Sabi na nga ba e, tama ako.
"Hmp! Kakabisaduhin ko 'yang mga pagmumukha ninyo, lagot kayo sa akin mamaya, kalurkski!" Bulong ni Yaki.
Napailing na lang ako.
"You three, follow me!" Singhal nung kalbong principal. Bagay sa kanya yung apelyido niyang Baldimo kasi nga kalbo.
Bago kami umalis ay tinignan ko muna ang mga mukha ng mga group of bitches and sluts na nakangisi at si bugok naman ay seryoso na akala mo siya ang boss.
Bwiset, nang dahil sa akin napasama pa sa guidance ang mga--
"Wah.. ano kayang itsura ng guidance office? First time kong makakapunta doon" si Betty na tuwang-tuwa pa.
"Finally, mararanasan ko na rin ang nararanasan ni Patrick my loves!" Si Yaki na kinikilig.
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa inaasta ng mga kaibigan ko, namroblema lang ako sa wala.
"Mr. Pahaba, 'wag mo akong iniirap-irapan! You know, you're so nakakagigil" nagulat ako sa sinabi nung principal mukha kasing bakla yung pagkakasabi niya.
"Sir Baldimo, ikaw ang mas nakakagigil than me like duh! And 'wag mo nga akong tawaging mister! Sa pretty kong 'to mukha akong mister?" Si Yaki na nilagay pa yung katiting na buhok niya sa likod ng tainga niya.
"B-bakla kaya yung principal natin?" Muntikan na akong matawa sa tanong ni Betty. Buti na lang ibinulong niya lang 'yon sa akin.
"What did you say? Ms. Magiting?!" Si sir Baldimo na nakataas ang isang kilay.
"N-nothing po sir!"
"It's the love shot" tunog 'yan na naririnig namin mula sa labas.
Nagulat naman kami ni Betty dahil biglang nagsitilian ang dalawang 'to.
"Kyaa! EXO!" Si sir Baldimo.
"Kalurkski! Mga asawa ko!" Si Yaki at pagkatapos no'n ilang segundo silang nagtitigan at nagsitilian nanaman sila.
"Nasisiraan na yata sila ng utak" si Betty na umiiling kaya't bahagya naman akong natawa.
"Kalurkski sir! EXO-L ka rin?" Si Yaki na tuwang-tuwa at agad na tumabi kay sir Baldimo.
"OMG! Oo, sino nga pa lang bias mo?" Si sir na tuwang-tuwa din.
Teka, akala ko ba sesermunan kami?
"Confirm, bakla nga ang principal natin" bulong ni Betty na ikinatawa ko at 'di naman nila 'yon napansin.
"Naku sir, si Baekhyun sa akin" si Yaki na kinikilig.
"Ay, sa akin naman si Chen!" Si sir Baldimo na kinikilig din.
"Sir, besh na kita!"
"Kaloka, ang tagal-tagal kong naghahanap ng katulad mo, sa school lang pala kita mahahanap!" Si sir na tuwang-tuwa tsaka nakipag-apiran kay Yaki.
"Sir, kapag tayong dalawa lang besh ang tawagan natin ha"
"Syempre, same tayo ng fandom e! Tsaka sige, pwede na kayong umalis besh mag-acting na lang kayo na pinagalitan ko kayo" biglang nagliwanag ang mukha namin ni Betty. Maraming salamat, Yaki Pahaba!
"Sige, besh thanks ha. Tsaka sa sabado sabay tayong bumili ng mga merchandise" si Yaki.
"Sure, exciting 'yon! Sige, bye besh kitakits sa sabado!" At agad na nga kaming umalis.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...