Chapter 16
"S-sino ka? Bakit ang hasa mo sa pakikipaglaban?" Yung isang lalaki.
"Ha! Ako lang naman si Pierce Marquez, ang pinakapogi sa balat ng lupa" proud kong sagot.
"Pogi ba siya, pre?"
"Hindi pre, mas pogi pa tayo diyan" nainis ako sa sinabi nila kaya't agad ko silang pinalo sa likod.
"Kuyaaa!"
"Naku po! Yung binata tulungan niyo!"
Napatingin naman ako sa direksyon ni bugok at sa kamalas-malasan na-corner siya ng mga kalaban dahil nakatutok na sa kaniyang ulo ang baril ng leader nila.
"Subukan ninyong lumapit dito! Babarilin ko 'tong batang 'to!"
"K-kuyaaa! Hindi!!" Sigaw ni Zeref habang umiiyak.
Shit! Anong gagawin ko?
"Tsk! Umalis na kayo, hayaan niyo na lang ako dito!" Sigaw ni bugok na nagpainis sa akin. Kahit magkaaway kami, may awa pa rin ako.
"Ha! Nasa akin ang pera, kaya't bitawan niyo na siya" proud kong sagot. Ito na lang ang choice ko, bahala na kung anong mangyari sa akin.
"At bakit naman kami maniniwala sayo?"
"Kaya ko kayong bigyan ng maraming pera, kahit magkano pa 'yan" napatingin ako kay bugok na parang sinasabihan ako na "Ang bobo mo mag-isip ng paraan, tss!"
'Di ko na lang siya pinansin at dapat nga magpasalamat na lang siya sa ginawa ko, walang utang na loob kang bugok ka!
"Boss, ito na yung pag-asa natin"
"Opo nga boss"
"O, naririnig mo naman siguro ang mga sinasabi ng kasama mo, kaya't bitawan niyo na 'yang bugok na 'yan at kung hindi, 'di ko ibibigay ang pera na kailangan niyo" agad naman nilang binitawan si bugok at pumunta naman siya sa tabi ko.
"Ang bobo mo talaga mag-isip ng paraan" bulong ni bugok na walang utang na loob.
"Alam mo, magpasalamat ka na lang dahil kapag 'di ko ginawa 'to, kanina ka pa natigok diyan" bulong ko rin.
"Tsk! Wala ka namang pera tsaka alam mo naman kung gaano ako kayaman 'di ba? Kaya ako dapat ang magbigay ng pera sa kanila" bulong niya ulit.
"Tss! Gano'n ba kababa ang tingin mo sa akin? Tsaka may pera din ako no!" Bulong ko rin.
"Hanggang kailan kayo magbubulungan na dalawa diyan?! Sabi na nga ba niloloko mo lang akong tomboy ka!"
Agad naman nagsitanguan ang mga kalaban at agad silang nagpaputok ng mga baril sa mga tao.
Shit! Bwiset!
"Itigil niyo 'yan! Kundi ipuputok namin 'to sa inyo!" Yung mga pulis.
"Itaas niyo ang mga kamay niyo at bitawan niyo ang mga baril niyo! Hindi kami magdadalawang isip na iputok 'to sa inyo" agad naman nilang sinunod ang sinabi nung isang pulis at agad silang nilagyan ng hancuffs ng mga pulis.
At sunod-sunod naman ang pagdating ng mga ambulance at agad nilang itinakbo ang mga nabaril. Lumapit naman sa amin ang principal ng school na 'to.
"Maraming salamat sa inyo, kung hindi dahil sa inyo ay namatay na kaming lahat dito. Porscia, ang laki mo na samantalang noon lagi ka pang napupunta sa principal office" napangiti na lang ako sa sinabi ni Mrs. Renh.
"At tsaka sayo din, Sir Zendrix--" bastos talaga yung lalaking 'yon, 'di ko manlang napansin nawala na pala sa tabi ko ang bugok na 'yon, nandoon na pala siya sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...