Sa wakas uwian na rin dahil sobrang naiirita ako sa araw ngayon lalo na ang pagmumukha ni Zendrix isama ko na rin si Bangbang.
"Dai, uwian na pero nakakunot pa rin ang noo mo" si Yaki na nagreretouch bago umuwi.
"Badtrip kasi e" si Betty na nagsimula nanamang kumain.
"Mga inday, mauna na ako" at agad na akong umalis.
Habang naglalakad ako 'di ko namalayan na may nabunggo na pala ako, nakayuko kasi ako.
"Miss, ayos ka lang ba?"
Nagulat nalang ako ng tumingala ito.
"J-jehrin?! Naku, 'di ko sinasadya na banggain ka nakayuko kasi ako hehe" napakamot tuloy ako sa batok ng wala sa oras.
Medyo naawkwardan ako kasi parehas kaming mahaba ang buhok pero nakabun naman ako lagi, hindi ko nilulugay ang cringe kaya mukha akong babae. Ayaw kasing pagupitan ni mama itong buhok ko kasi maganda daw parang nakarebond straight talaga, akala mo naman buhok niya at ayaw ipagupit 'tong buhok ko.
"Tss! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! Nasaan na ba si Zen-zen?" Sabay irap nito at tsaka ako nilagpasan. Tsaka Zen-zen ang tawag niya kay bugok ang bantot ngang pakinggan e. Parang zen-zen de sarapen de kutsilyo de almasen.
'Di naman masakit. Kainis talaga yung Zendrix na 'yon siya na lang lagi ang bukambibig ni Jehrin ano bang nagustuhan ng mga babae sa bugok na 'yon? Mga bulag tsk!
Naiirita talaga ako sa araw ngayon.
"Mama! Nandito na po ako!" Sigaw ko.
"Di ako bingi para sigawan mo!" Nilagpasan ko nalang si mama at dumeretso sa kwarto ko.
"Dear unan, ikaw lang ang kadamay ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon" habang hinihimas-himas ang unan ko.
"Ano nanamang kadramahan 'yan ate?" Si Primo na bigla nalang sumulpot.
"Paano ka napunta dito sa kwarto ko?!"
"Ate, chillax lang kanina pa ako nandito, 'di mo lang napansin" nakapameywang pa ang bata.
"Para kang bakla dyan, Primo" saad ko habang natatawa.
"Mama o! Si ate may girlfriend na" Sumbong ng walanghiya.
Laging ganyan 'yan si Primo e, tuwing sasabihan ko siya ng bakla bigla-bigla nalang magsusumbong kay mama na may girlfriend ako kahit wala naman pero sana nga magkatotoo.
"Porscia! Hindi kita pinalaki para magkaroon ng girlfriend, kundi boyfriend!" Si mama na nakapameywang pa. Alam na kung saan nagmana itong si Primo.
"Ma! Uto-uto naman kayo dyan kay Primo"
"Kumain na nga kayo!" Sigaw ni mama.
"Hay.. tuwing darating ako laging ganito ang ingay" si papa na kakarating lang galing sa trabaho.
"Yan kasing mga anak mo mga pasaway! Samantalang nung bata naman ako hindi ako pasaway lagi akong nasunod sa mga magulang ko" si mama na kinekwento nanaman ang kabataan days niya. Nakakarindi na sa totoo lang.
Habang nakain kami as usual dada pa rin ng dada si mama wala ng katapusan 'yan hanggang sa pagtulog nanaman 'yan.
"Alam niyo ba tumatawid pa kami ng ilog para lang makapasok sa school tapos wala pa kaming sapatos noon, tsinelas lang ang gamit namin" si mama na laging kinekwento ang kabataan days niya.
"Mama, tama na po kabisado na namin yung mga sinasabi niyo" muntikan na akong matawa sa sinabi ni Primo.
"Buti naman kung kabisado niyo para hindi lumabas sa kukute niyo!" Pagrarap ni mama.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...