Chapter 22

69 6 1
                                    

"H-hello po, kami po ang mga kaibigan ni Yaki" si Betty.

"Kumusta na po kayo?" Si dai.

"Lumalaban pa naman" napangiti naman ang mga kasama ko.

"Tama po 'yan dahil ang lungkot po kanina sa school niyan ni Yaki, at sigurado po akong kahit papaano ay napangiti siya sa looban niya dahil sinabi niyo po 'yan" si Patrick at napatingin naman sa akin si papa kaya napayuko na lang ako.

"Ito po pala yung pasalubong namin sa inyo" si dai sabay bigay kay mama nung mga prutas.

"Naku mga iha salamat" nakita ko namang napasinghap si dai dahil sa sinabi ni mama kaya muntikan naman kaming mapatawa ni Patrick.

"Iho po talaga 'yon, opo" bulong ni dai pero narinig ko naman.

"May sinasabi ka ba?"

"W-wala po hehe"

Pagkatapos ng kwentuhan at tawanan ay umuwi na rin sila.

"Hindi ko akalaing may kaibigan ka" si papa kaya yumuko na lang ako.

"Totoo ba yung sinabi nung lalaki mong kaibigan kanina?" Sabay tingin sa akin ni papa.

"T-totoo po.." hindi ko na nakita ang ekspresyon ni papa kasi nakayuko lang ako.

"Maiwan ko muna kayo ha" si mama at saka umalis.

"Bakit ka nalulungkot sa kalagayan ko, dapat nga ay nagsasaya ka kasi ganito ang kalagayan ng ama mong kahit kailan hindi ka matanggap" bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

"Pa.. kahit hindi mo ako matanggap sa pagiging bakla ko ay ayos lang sa akin dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo ay kayo pa rin ang ama ko" garalgal kong sagot saka siya umiwas ng tingin sa kaya 'di ko makita ang ekspresyon niya.

"Sorry.." nagulat ako sa sinabi ni papa sabay tingin ito sa akin. At mas lalo akong napaiyak dahil umiiyak rin si papa.

"S-sorry anak kung ganoon ang trato ko sayo, sa totoo lang ay tanggap naman talaga kita. Hindi sana magiging gano'n ang trato ko sayo kung wala akong ganitong sakit kasi alam kong balang araw ay lilisanin ko rin ang mundong 'to. Gusto ko kasing maging matatag at matapang na lalaki ka at gusto kong magpakalalaki ka para maprotektahan mo ang mama mo sa oras na wala na ako sa mundong 'to. Kaya sana patawarin mo ako, anak" napahagulgol na lang ako.

"P-papa, hindi ka mawawala sa mundong 'to sabay tayong mabubuhay sa mundong 'to. Saka bago niyo pa sabihin ang salitang patawad ay pinatawad ko na kayo dahil mahal ko kayo papa. At saka kahit bakla ako, kaya kong protektahan si mama at maging matatag at matapang, kaya papa 'wag mong sabihin 'yan..." saka ko saka niyakap si papa.

"Yaki, napakaswerte ko na ikaw ang anak ko" si papa saka hinaplos ang buhok ko.

"Ganoon din po ako sa inyo papa"


"Hoy! Nakakangiti ka na a" si Betty.

Syempre, sinong hindi mapapangiti sa nangyari kagabi? Like duh!

"Saka tignan mo rin ako, nakangiti rin ako" sabay ngiti niya.

"Kalurkski! Betty, 'wag ka ngang ngumiti ng ganyan mukha kang killer pig" sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Oo nga pala, pinayagan kayo sa field trip?" Si dai.

"Oo!" Sabay na sagot namin ni Betty.

"Ikaw dai, pinayagan ka?"

"Oo, payag talaga sila kasi nakasama ako sa top" habang nataas-taas pa ang kilay niya.

"Class, good morning! Please raise your hand if pinayagan kayo"

She's Handsome [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon