Chapter 12

71 5 1
                                    

"Nandito na ako!"

"Ate, tignan mo 'to!"

"B-bakit may violin diyan? Saan galing 'yan?" Sabay hablot ko sa kanya yung violin.

"Kay Kuya Yuhan"

"Yuhan?!"

"Kakarating lang daw niya kahapon galing sa America tapos secret 'di ko na sasabihin yung isa para magulat ka pagpasok mo ng school bukas"

"Miss ko ng masuntok yung isang 'yon, si Tubo kasama niya?"

"Di ko natanong"

Si Yuhan ay naging kaklase ko rin kaso agad siyang inilipat sa America dahil iyon ang kagustuhan ng mga magulang niya samantalang si Tubo ay nanatili hanggang sa matapos ang elementary at pagkatapos no'n, doon na rin siya nag-aral sa America. Iba talaga 'pag mayayaman.

"Next Saturday darating sila mama, 'di ba?"

"Oo, tsaka ate family day namin sa susunod na araw wala naman sila mama ikaw na lang ang pumunta"

"Ayoko nga, nakakatamad!"

"Susumbong kita kay mama!"

"Joke lang! Ito naman 'di mabiro haha! Ano bang oras?"

"Mga 3:00, half day naman kayo"

"Sige, pupunta ako"

"Sigurado ka ate ha, 'pag 'di ka pumunta isusumbong talaga kita kay mama"

"Oo na! Tsaka 'wag mo nga akong tawaging ate, dapat kuya!"

"Di ka naman lalaki ate!"

"Tumahimik ka!"




Pagkaupo ko pa lang ay nakita ko na ang mga dumi sa table ko, alam na agad kung sino ang gumawa.

"Dai, akala ko titigil na yung mga impaktang 'yon, kalurkski!" Si Yaki na nanghihiram na naman ng makeup kay Sally.

"As if namang tumigil sila" si Betty na kumakain.

"Well, tama yung mataba ninyong kaibigan hinding-hindi talaga kami titigil hangga't hindi kayo lumuhod sa harapan namin at humingi ng tawad sa mga ginawa niyo sa Zenrico namin!" Si Rhea na nakacross arms pa.

"Ano kayo, mga boss?" Bulong ko.

"What?!" Tanong nung isang fan.

"Wala, sabi ko may quiz daw ngayon magreview na kayo"

"What?! May quiz pala guys"

"Di ako na-inform!"

"Pahiram naman ako ng mga notes mo"

"Di ako makapaniwalang may quiz ngayon, huhu!"

"Sana late si sir"

At tuluyan na ngang gumulo ang mga kaklase ko.

Shit! Joke lang 'yon wala talagang quiz.

"Dai, sure ka talaga may--"

"Good morning, class!"

Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko.

"Sir, 'di pa kami nakakapagreview"

"Opo sir, bukas na lang yung quiz"

"Opo nga sir!"

"What? Anong pinagsasabi niyo?" Si sir na nagtataka.

"Sabi po ni Porscia may quiz daw po ngayon" si Nerdy na walang ekspresyon.

"Wala naman akong sinabing may quiz ngayon, discussion lang. By the way, Ms. Marquez mukhang ayan na yung sign na magiging masipag ka na sa pag-aaral, I hope na ipagpatuloy mo 'yan"

She's Handsome [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon