"Pasensiya na po kayo manong, Porscia po talaga ang pangalan ng ate ko feeling niya po kasi lalaki siya" si Primo na bigla na lang sumulpot at tsaka ako hinila.
"Ate naman, pinapahiya mo ako e" bulong ni Primo.
"Anong pinapahiya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo tss!"
"Ewan ko sayo ate, basta manahimik ka na lang"
"Aba! Sino ka para utusan ako? Ako ang panganay"
"Shhh!" Si Primo na nakalagay pa ang hintuturo sa ilong.
"Dito ka umupo ate, para sayo 'yang upuan na 'yan" si Primo kaya't agad naman akong umupo at umupo naman siya sa tabi ko.
Grabe! Ang laki na ng pinagbago ng school na 'to. Noong elementary ako, dito rin ako nag-aral. Napatingin ako doon sa may garden, tanda ko pa marami akong nasuntok diyan.
"Ate, namimiss mo itong old school mo?" Si Primo.
"Syempre, sinong hindi makakamiss sa dati mong pinapasukan?"
"Kahit araw-araw kang napupunta sa principal office?" Si Primo na nakangisi kaya't inirapan ko na lang siya.
"Ok! Magandang hapon sa mga guro at sa mga miyembro ng pamilya na narito! Atin ng umpisahan ang programang ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin ni Mr. Zendrix Salvore" napanganga ako sa sinabi nung emcee at nakita ko na lang na umaakyat na ng stage ang bugok.
Anong ginagawa ng bugok na 'yan dito?!
"O, ba't ka nakanganga diyan ate 'wag mong sabihing may crush ka doon? Ito na ba ang sign na magiging babae ka na ate?" Bulong ni Primo.
"Imposible namang mangyari yon!" Sigaw ko kaya't napatingin naman sa akin ang mga tao.
"S-sorry po" napatingin naman sa akin si bugok na nagpipigil ng tawa.
Bwiset!
"Ang OA mo ate magreact" si Primo na umiiling at 'di ko na lang siya pinansin.
Pagkatapos ng panalangin ni bugok ay nagsimula na ang program. Sa totoo lang, hindi bagay kay bugok na maglead ng prayer, demonyo kaya ang hampaslupang 'yon.
"Pierce, isa ka sa mga witness na hindi talaga bad boy si Zendrix" 'di ko na lang pinansin yung ala-alang 'yon.
May mga nagperform sa harapan na mga estudyante at nung si Primo na ang magpeperform ay nagsisigawan ang mga estudyante dito. Hala? Anong nangyayari sa mga ito?
"Kyaa! Si Primo na 'yon 'di ba?"
"Oo! Haha!"
"Ang heartthrob natin!"
"Go Primo!"
Heartthrob?! Si Primo heartthrob?! Si Primo... heartthrob?!
Napatingin ako kay Primo na nasa stage na at nakangisi sa akin.
Aba! Inunahan pa ako ng walanghiya! Magkakaroon din ako niyan, someday at tsaka ang ganda talaga ng lahi namin!
"Ang kasunod na performer, Primo Marquez! Let's give him around of applause!" Agad namang nagsipalakpakan ang mga tao at nagsihiyawan.
Hindi ko akalaing ganito kasikat ang walanghiyang 'to.
"Tinalo ka na ng kapatid mo" si bugok na nasa tabi ko na pala.
"Anong ginagawa mo dito?" Habang nanlalaki ang dalawang butas ng ilong ko.
"Stop making that face, kadiri" si Bugok na walang ekspresyon.
"Ano bang ginagawa mo dito? Nakakairita ka"
"Anong problema mo mo sa kuya ko?" Isang bata na bigla na lang sumulpot.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...