"Of course, si Zen-zen dahil noong bata pa lang kami ay palagi siyang nandyan sa tabi ko, kahit ni minsan hindi niya ako iniwan and tuwing nalulungkot ako palagi niya akong pinapatawa, hindi talaga siya uuwi sa kanila hangga't hindi niya ako mapangiti. I really love this man 'cause he's always there when I need him, isang tawag ko lang sa kanya pupuntahan niya na agad ako. And I know na ngayon hanggang sa huli ay gano'n pa rin kami at walang magbabago. That's all, thank you!" Agad naman kaming nagpalakpakan at yung iba nagsisitilian pa dahil sa sinagot ni Jehrin.
"Ouch! Realtalk, dai" si Yaki na nakahawak pa sa dibdib na kunyaring nasasaktan.
"Ok lang 'yan, Pierce nandito lang kami para sayo" si Betty.
"Ha! May ipinalit na ako kay Jehrin at syempre mas maganda siya kaysa kay Jehrin" nakangisi kong sagot.
Napanganga naman ang dalawa.
"T-talaga..? Kailan pa?" Sabay pa silang dalawa.
"Kanina lang sa gate ng school, nakita ko siya at mukhang hinahanap ang kapatid niya dito at mukhang mayayamanin din. Kaya gusto kong malaman agad kung sino ang kapatid niya para magpakitang-gilas na agad ako"
"Ay, iba din" si Yaki.
At sa wakas, babanggitin na ang mananalo ngayon dahil gusto ko ng umuwi at bwisitin si Primo.
"The 3rd runner up is..... Miss Clare Nariza, from Section E. Congratulations!"
"The 2nd runner up is.... Miss Crissa Maris, from Section C. Congratulations!"
"Hala! Hindi pa natatawag si Jehrin, kahit 1st runner up na lang ok na e" si Betty.
"Hmp! She deserved it" si Yaki na umiirap pa kaya napailing na lang kami ni Betty.
"The 1st runner up is........ Miss Jeh-- wait! Ihi lang ako saglit, hehe. Ihing-ihi na ako e, pasensiya na" yung emcee at nagpeace sign pa bago umalis.
"Kainis naman yung emcee, pabitin!"
"Oo nga, dapat 100 na lang ibinayad sa kanya hindi 300"
"Feeling ko si Jehrin na 'yon mga guys"
"Ano ba 'yan dapat champion siya!"
"Oo nga e, kaso hayaan na lang natin basta ang mahalaga nakasama siya"
Mga kaklase kong nagrereklamo.
"Kalurkski! Ngayon lang yata ako naka-encounter ng ganitong pangyayari sa pageant like duh!" Si Yaki.
"Haha! Oo nga" si Betty.
"Pasensiya na talaga ihing-ihi na talaga ako, kung kayo ang nasa sitwasyon ko ay maiintindihan niyo din ako. Ok, itutuloy ko na" yung emcee na kakarating lang galing sa cr.
"The first runner up is....... Miss Jehvann Casein, from Section B. Congratulations!"
Bigla naman kaming kinabahan dahil hindi pala si Jehrin 'yon. Paano na lang kung hindi siya nanalo?
"So for now, ang champion na ng pageant na 'to ang susunod kung babanggitin. Sino ang sa tingin ninyong mananalo?"
"Si Jehrin!"
"Oo nga si Jehrin!"
"Hindi, si Lara!"
"Si Nallie kasi ang champion diyan, no!"
"Ok, the champion is...
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...