Chapter 4

86 5 1
                                    

"Mukhang wala ng bakante, doon nalang tayo sa pwesto ni Pierce" si Patrick at agad na umupo sa harapan ko.

Bigla namang kumunot ang noo ko.

"Pumayag ba ako?"

"Alam ko namang papayag ka haha! Marco, Zendrix, dito nalang tayo" umupo naman si Zendrix sa tabi ni Patrick at sa tabi ko naman si Marco.

Apatan kasi itong pwesto ko. Kung sila Yaki at Betty ang nasa sitwasyon ko ngayon, paniguradong kilig na kilig yung mga 'yon. Kadiri lang.

"Tutal wala ng bakante dapat lumipat nalang kayo ng restaurant, hindi yung nakikiupo kayo sa pwesto ko" napairap nalang ako dahil sa inis.

Gusto ko na talagang mambugbog promise.

"Bakit ba galit na galit ka sa amin?" Si Nerdy na 'di makabasag pinggan.

"Paano kasi, naiinggit siya sa atin kasi TUNAY na lalaki at TUNAY na pogi tayo" si bugok na nakangisi. Napatawa naman si Patrick at si Nerdy naman ay pinipigilan ang pagtawa.

'Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang kinakain ko.

Ayaw kong mainis dahil pinapalamig ko na nga ang ulo ko. Chill, Pierce ang pinakapogi sa balat ng lupa. No matter what happens mas pogi pa rin ako sa kanila.

Tsaka nagtataka pa rin ako kanina kay Lei totoo ba talagang hindi amoy sigarilyo ang hininga ng walanghiyang 'to?

"Ang totoo nyan, mabango talaga ang hininga ni Zendrix kasi bago siya pumasok sa school, may nginuya siyang nakakapagpabango sa hininga. Sinagot ko na ang tanong mo ha, halata kasi sa mukha mo" si Patrick na nakangiti.

Tsk! Mautak ka talagang bugok ka.

Binilisan ko ng kumain para makaalis na ako dahil naiirita ako sa presensya nila at hindi ko akalaing kumakain ako kasama nila.

"Bilis kumain a, bonding sana tayong mga pogi e" ewan ko ba kung totoo o nang-aasar itong si Patrick e.

"I rather die than to spend with the three of you" agad na nga akong umalis.

Pagkalabas ko ng restaurant bigla nalang sumulpot si Rhea at yung mga fans ng Zenrico.

"Hoy tomboy! Bakit mo kasama ang mga asawa namin ha!" Si Rhea na sasabog na dahil sa galit. At yung mga fans naman ay ang sasama ng mga tingin sa akin akala mo naman may pinatay ako tss!

Asawa? Nasaan yung marriage contract pati yung sing-sing? Puro kayo landi, isipin niyo muna yung mga ginagastos ng mga magulang niyo sa school tsk!

"Hindi ko sila kasama, tsaka doon talaga ang pwesto ko nakiupo lang sila kasi wala ng bakante tsk! 'Wag kayong mag-alala wala akong pakielam sa mga asawa niyo" asawa ninyong kuno.

"Well, sabihin na nating tomboy ka at wala kang pakielam. But, you're still a girl and I hate to admit this, paano kung isa sa kanila ang nagkagusto sayo? Hinding-hindi namin--"

Napabulalas ako ng tawa dahil sa sinabi ni Rhea.

Wtf? Hahaha!

"Rhea, nahihibang ka na ba? Sila, magkakagusto sa akin? Gumagana naman ang utak mo 'di ba? Ayaw nila sa akin at ayaw ko din sa kanila at isa pa bakit sila magkakagusto sa mas pogi pa sa kanila? At pangalawa, lalaki ako hindi babae! At panghuli, kung babae man ako hinding-hindi ako magkakagusto sa kanila mas mabuti pang mawala nalang kaysa magkagusto sa kanila"

"Buti naman kung ganon, at tsaka mas pogi sayo sila Zendrix no! Hmp!" Si Rhea at agad na silang umalis.

Mga bulag! Tsk!




She's Handsome [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon