Pagkatapos naming magluto ni mama ng meryenda ay umakyat ako sa kwarto para maglagay ng perfume.
Langya! Ang baho talaga.
Pagbaba ko ay pumunta ako sa garden at napalunok na lang ako dahil sa nakikita ko.
"O ate, baka matunaw niyan si kuya Tubo sa kakatitig mo sa abs niya" si Primo na nasa tabi ko na pala.
"T-tumigil ka nga diyan P-primo! !H-hindi kaya!" Ngumisi naman ang hampaslupa sa akin at si papa ay sinamaan ako ng tingin kaya bumalik na lang ako sa loob ng bahay.
"O, ano ate 'di mo na kinaya yung mga abs ni kuya Tubo no? Kaya ka pumasok dito" binatukan ko naman ang bata.
"Isa pa! Puputulin ko na 'yan!" Nagulat naman si Primo at napaatras.
"A-ate.. anong puputulin mo?" Nakanganga niyang tanong.
"Yung dila mo! Bakit, ano bang nasa isip mo na puputulin ko?" Natatawa kong tanong.
"W-wala!" Napahagalpak na lang ako sa tawa dahil namumula yung pisngi nitong si Primo.
"Pumasok na kayo, tama na 'yan!" Sigaw ni mama kila papa at pumasok naman na sila dito sa loob ng bahay.
Napatingin naman ako sa gunggong na naka-top less, kahit pawisan siya ang pogi niya pa rin pero syempre mas pogi ako no! Papatalo ba ako?
"H-hoy! Magsuot ka nga ng damit ang dugyot mo!" Natawa naman siya.
"Weh? Pinagsusuot mo ba talaga ako ng damit dahil dugyot ako o.." agad siyang lumapit sa akin at ngumiti ng malawak samantalang ako ay hindi na nakagalaw.
"....dahil naiilang ka sa abs ko?" Napalunok naman ako saka umiwas ng tingin.
"A-ang bango-este! Ang baho mo, l-lumayo ka nga sa akin" natawa naman siya saka lumayo at lumapit kay Primo para kumain.
Ho! Kalma ka lang puso baka maging cause of death pa kita buti sana kung maging cause of death ko ang kapogian ko dahil 'di na kinaya ng sarili ko ang kapogiang taglay ko.
Pagkatapos naming kumain ng meryenda ay umuwi na rin ang hampaslupa. Nagulat naman ako dahil may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko ito at pumunta sa kwarto ko.
"Porscia, nakahanda ka na ba ng closing song mo?" Si ma'am Cruz sa kabilang linya.
"Meron na po ma'am kaso kinakabahan ako, alam niyo naman na po 'yon" napabuntong-hininga siya sa kabilang linya.
"Basta, kaya mo 'yan Porscia saka tanda mo pa ba yung sinabi sayo ni Zendrix?" Namula naman ako sa sinabi ni ma'am Cruz.
"S-sige po kakayanin ko po saka na-send ko na po sa inyo yung minus one"
"O sige, kita-kita na lang tayo bukas ha" at binaba ko na ang phone ko.
Napahawak naman ako sa pisngi kong namumula at inalala ang pangyayaring 'yon.
"Ms. Marquez, ikaw ang kakanta sa closing song sa acquaintance party ha" natulala na lang ako sa sinabi niya.
"Naku po ma'am mahina sa ganyan si dai"
"Hoy Pierce, 'di ka na gumalaw diyan" si Betty na ngumunguya.
"Sabi daw ni Zendrix, maganda daw boses mo kaya pumayag ka na gusto ko rin marinig 'yang boses mo" si Patrick.
"P-pero po ma'am.." namumutla kong sagot.
"Pumapayag na 'yang si Porscia, kaya niya 'yan" si Zendrix na kakarating lang kasama si Nerdy galing sa canteen.
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
HumorBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...