"Finished!" Sigaw ni Nelly at agad namang nagsipuntahan dito sa kwarto ko si mama saka si Ate Kai.
"H-hala! Anak ko ba talaga 'yan, Nelly?" Si mama.
"Grabe naman kayo ma sa akin" gusto ko na nga ring makita itong mukha ko kaso mamaya na lang daw 'pag sinuot ko na daw yung dress ko.
"G-great! Ang ganda-ganda mo Porscia nakakaiyak" napailing na lang ako sa sinabi ni Ate Kai.
"Ang OA mo ate Kai"
"I'm not OA, ang ganda-ganda mo kaya promise. Mas maganda ka pa sa akin" napakunot noo naman ako.
"Hays! Ewan ko sayo ate Kai, saka gusto ko ng makita 'tong mukha ko sa salamin"
"Wait lang Porscia, ito o suotin mo na" si Nelly sabay bigay sa akin nung black dress na hanggang tuhod. Agad naman akong pumunta sa cr para magbihis, hay naku hindi ako sanay na magsuot ng ganito pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko simula ngayon.
Pagkalabas ko ng banyo halos ang mga panga nila ay malaglag na sa sahig.
"Naku anak, nagmana ka nga talaga sa akin" si mama na naiiyak.
"Oha! Ang galing ko talagang mag-ayos, sobrang ganda mo Porscia" si Nelly saka nag-thumbs up sa akin at napahawak naman ako sa dulo ng buhok ko na kinulot ni Nelly.
"Porscia, ang swerte ko na ikaw ang future sister-in-law ko sana hindi ka na pakawalan ni Zendrix kundi lagot siya sa akin" nagulat naman ako sa sinabi niya at natawa naman sila mama.
"B-baliw ka talaga ate Kai.." saka ako umiwas ng tingin. Tumingin ako sa salamin at napanganga, ako ba talaga 'to? Hays! Crush ko na sarili ko!
Pagkababa namin ay napanganga ang dalawang bata pati si papa.
"Natutuwa ako na may pag-asa pa lang maging babae ka ulit anak, dalaga ka na parang dati lang buhat-buhat pa kita" si papa na naiiyak kaya agad ko siyang niyakap.
"Papa naman.. 'wag ka ng umiyak" tumango naman siya saka hinimas ang buhok ko.
Napatingin naman ako sa dalawang bata na nakatitig lang sa akin kaya nginitian ko sila, kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Zeref at si Primo naman ay nakanganga lang.
"H-hoy sino ka? Paano ka nakapasok di-" agad ko naman siyang binatukan.
"Magbihis ka na doon, akala ko ba sasama ka? Iiwan ka namin dito sige!" Agad naman siyang tumakbo papunta sa kwarto niya at nagbihis.
"O siya, mauna na kami Porscia paniguradong hinihintay na kami nila Mom at Dad sa school and for sure hinihintay ka na rin niya ayiee!" Si Ate Kai at namula naman ako.
"Hoy tomboy!" Napatingin naman ako kay Zeref.
"You're beautiful and proud ako sa sarili ko kasi ako ang naunang nagsabi sayo niyan at hindi si kuya" at agad na siyang tumakbo palabas kaya napangiti naman ako.
"Grabe! Ikaw ha, yung dalawa kong kapatid may gusto sayo iba talaga ang kamandag mo Porscia" natatawa niyang sagot kaya napakamot na lang ako sa ulo.
"Sige po tito at tita mauna na po kami"
"Sige iha" si papa at tuluyan na silang umalis.
"Teka lang magbibihis lang ako" si mama.
"Ma, ayos na po 'yang suot niyo ba't pa kayo magpapalit?"
"Excited lang Porscia? Saka ang panget nitong suot ko, 'wag ka ngang magmadali diyan makikita mo rin naman si prince charming mo mamaya, ang atat nito"
"Mama naman!" Sabay hawak sa pisngi kong namumula.
Napatingin muli ako sa salamin at napangiti. Grabe! Crush ko na talaga sarili ko!
BINABASA MO ANG
She's Handsome [COMPLETED]
ComédieBabaeng ipinagsisigawan na lalaki siya, babaeng ipinagsisigawan na siya ang pinakapogi sa balat ng lupa, at babaeng ipinagsisigawan na mas pogi pa siya kay Zendrix na walang iba kundi si Porscia Marquez o itago natin sa pangalang "Pierce" paano kung...