CHAPTER 37: LOYAL AKO

7.3K 181 9
                                    

( Happy Friday...... at dahil special day ko po ngayon, here's my birthday treat for you guys.... I dedicate this chapter sa mga readers na walang humpay ang support sa Instant Mommy and Daddy. Salamat sa pag vo-vote at sa pagbabasa. Hindi man ganun ka rami pero enough na para ma inspired nyo ako. Waaaa.. Hope you like it.. )

Jeca's POV

" Ang hirap ng activity sa Math 30, parang na wasak ang utak ko kaiisip ng answer kanina. " sabi ni Marie.

" Kung maka angal ka parang sa'yo galing lahat ng answers ha! Wala ka ngang naitulong kanina! " bulyaw din ni Vanessa sa kanya.

" Ang iingay nyo! " pagsisita ko sa kanila at bumalik ulit sa pagtulog.

Nandito kami ngayon sa American Corner ng library.Busy sila sa pag re-review para sa exams namin mamaya, ako heto! natutulog. After ng Christmas Party namin sa Aragon's Mansion ay nagsiuwian na din kami pagkatapos naming kumain. Nung New Year naman, umuwi ang parents ni Royce at sa mansion na kami nag celebrate.

beeep... beeeep

1 message recieved

From: Roycey my♥

" Board meeting really makes me feel bored.... how I wish you were here! "

WAAAAAAAAA

Napabalikwas ako sa kinuupoan ko. Gosh! Ba't nagiging sweet na sya lately?

" Hoy Laki! Napano ka? " tanong ni Van

" Edi kinikilig! " sagot naman ni Marie.

" Di noh! May....may...ano.. ahm.....may nabasa lang ako! " sagot ko sa kanila.

" Si Royce ba yan? " tanong ni Van

" Wala nga sabi eh... " sabi ko

To: Roycey my♥

" Gusto mo, punta ako dyan mamaya after my exams? "

<message sent>

Last exams ko na sa Finance later kaya wala naman akong gagawin after. So, OK naman sigurong puntahan ko sya sa office nya.

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon