Van's POV
" Subokan mo kasi syang kausapin! " pangungulit ni Marie dito sa kwarto namin.
" Para san pa? Para isama sa listahan ng mga naging babae nya? " sigaw ko sabay tungo sa terraces ng kwarto.
" Do you think gagawin nya yun? " she asked while following me
" Boys will always be boys, Rosemarie.... Wag ka ngang magpaka tanga sa mga lalaki " sumbat ko
" Wag mo namang lahatin Van, kaya ka nga nya nililigawan to know you more ang to know him more..... in short... getting to know each other stage kayo " sabi nya na paharap sakin.Di ko na mapigilang umiyak.
" Pareho lang sila ni Jairus.... pinag mukha nila akong tanga. Tapos paiibigin, iiwan nalang tsaka maghahanap ng bago. Yun naman talaga diba? Diba? " sigaw ko at humagol-gol ng iyak. Ayoko ng gan'to.
Jairus was not my boyfriend. He's my schoolmate way back in highschool. Naging magka-MU kami kasi nga gusto nya ako at gusto ko rin sya. Pero, my parents are very strict kaya we decided na hindi muna kami papasok sa relasyon. Not until we reach college cause my Dad told me if I'll get higher grades in highschool they will allow me to be in a relationship.
We've been secretly dating for almost 5 months. Sa rooftop ang meeting place namin kasi wala namang mga students na pumupunta don. Dun kami kumakain ng lunch ni Jairus at hinihintay nya ako dun after our classes end. Pero dumating ang time na naging cold sya.
< Flashback >
" Asan na ba yong lalaking yun, sabi nya sabay kami mag lunch? " tanong ko sa sarili while waiting dito sa corridor patungo sa rooftop.
Hinihintay ko kasi si Jairus. Kanina pa ako dito at nilalangaw na din ako sa kakahintay. Malamit na ang afternoon class namin at di pa sya dumarating kaya I decided na bumalik nalang sa classroom at di nalang kakain ng lunch. Baka pag nagutom si Jairus may kasalo sya sa pagkain.
While walking towards our classroom may nadinig akong bulong-bulongan sa hallway ng mga lower years...
Baka hindi na sila....................
Naku.... Bagay paman din sana sila ni kuya Jairus....................
Kawawa naman si Vanessa...................
Anong pinagsasabi ng mga estudyante na'to?
Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nakita ko si Jeca na kadarating lang ng school. Ay! Oo nga pala, may practice kasi sila kaninang umaga para sa beauty pageant at sya ang representative ng school namin and as usual exempted na naman sya sa clase.
" Hi! Van ^__^" bati nya sakin
BINABASA MO ANG
Instant Mommy & Daddy
RomanceSimple lang naman yung buhay ni Jeca, Kahit may pagka mataba sya, di naman sya na iinsecure sa mga kaklase nya at sa mga friends nya until one night nakilala nya si Royce. Na syang naging dahilan ng pagiging Instant Mommy nya at naging Instant Daddy...