CHAPTER 58: LUCKY CHARM

8.6K 158 12
                                    

Shale's POV

" Pwedi naman kasing ako na dito! " sabi ko kay Malcom. 

Schedule ko kasi ngayon sa OB ko, at itong si Malcom pinagpipilitan parin na OK lang daw kahit na Finals na nila sa Basketball Game. Ang hirap pag sikat ang magiging asawa mo.

Opo! Napagpasyahan namin na magpakasal muna sa huwes pero syempre pag naka graduate na si Malcom, church wedding na daw. Buti naman at OK lang kay Mommy na sa huwes muna kami magpakasal.

Hindi naman sya mahirap mahalin, sa katunayan nga ang sweet-sweet pa nya, ang buong akala ko talaga magka sing edad lang kami, then when his parents said na mas matanda pa pala ako sa kanya I feel so SMALL, pero sabi naman ni Malcom wala daw yun sa edad.

" Ok lang naman kasi, tsaka first check up mo 'to, ayokong ma miss! " anya at nagmamadaling lumakad. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Hindi pa nga magaling yung mga paa ko.

" Oh? Bakit? " tanong nya. Nasa unahan ko na kasi sya

" Hindi pa kasi ako magaling.... sabi nang mag wa-walker nalang ako! " sabi ko sabay pout. 

" Aish......naka limutan ko! Oh......ganito nalang! " sabi nya at binuhat ako na parang bagong kasal. GOSH!

" Ibaba mo nalang kaya ako! Nakakahiya! " mahina kong sabi sabay sabunot sa buhok nya.

" Aray ha! Eh, sa school nga, halos mag laglagan na ng panty yung mga girls para lang maka usap ako pero sayo dine-deadma mulang ka gwapohan ko? Yun ang nakakapang liit! " anya at hinay-hinay akong ibinaba. NAKU NAMAN! nagtampo pa!

" Joke lang! Sige na! Wag kana mag emote.... mas lalo ka lang male-late sa finals " sabi ko at agad naman nya akong binuhat ulit.

Malcom's POV

" Your baby is .4 mm long, about the size of an apple seed. The heart is beating, blood is beginning to pump, and organs are developing. " sabi ni Doktora habang tinitignan ko naman ang baby namin sa monitor na parang maliit na tuldok. Yun pala ang baby?

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon