CHAPTER 36: DEDICATED TO YOU

7.1K 156 7
                                    

Marie's POV

Nagsimula narin kaming makisali sa mga boys sa pagkanta. Nasa gilid ako ni Kris at katabi ko sina Jeca at Royce. Katabi naman ni Kris sina Carine at Erwin at sa tabi ni Erwin sina Luis at Sheryl. Si Vanessa? Nasa kwarto pa namin at di pa bumababa. 

Sina Jeca at Royce ay iisa ng kwarto, kami ni Vanessa naman ang magkakasama sa isang kwarto at sina Carine at Sheryl naman sa isa pang kwarto. Di ko alam kung sino ang kasama ng mga boys sa kwarto nila.

" Oh! Van! Lika na! kantahan na! " pag anyaya ko kay Vanessa na ngayon ay may kinakausap sa cellphone nya.

Hindi pa kasi naka pili ng kanta si Carine kaya istandby muna ang kantahan at busy ang iba mga boys sa pakikipag chikahan sa mga girls nila.

" Liit? Ano na bangkakantahin mo? " tanong ko. 

" Heto na po sweety! " pang aasar nya. Ang kulit lang nitong maliit na 'to.

Lumapit si Vanessa sa'kin at pumagitna samin ni Jeca. Sa'ming apat kasi, si Vanessa ang youngest. November ako pinanganak ta's si Carine December, si Jeca February at si Van April.

Tapos nang kumanta si Carine na sinundan ni Erwin at ni Kris. Si Royce naman nakapili narin ng kanta. Si sheryl din ay nakapili na. Di ko kasi hilig ang pagkanta kaya di ako pumili.

" Galingan mo Luisito! " sigaw ni Erwin. Tapos na kasi silang kumanta at it's Luis time to shine. ANO KAYANG KAKANTAHIN NYA?

Vanessa's POV

" Dedication muna " sigaw ni Jeca kay Luis.

Before daw kasi kumanta may sasabihin ka daw na message at para kanino mo kakantahin at bakit. ANG OA NG MGA TAO DITO!

" Ahm, ano ba? Ahm.... wag nalang! Nahihiya ako! " sabi nya ng naka microphone pa talaga! 

" Asos, nahiya pa ang walang hiya! " sabi ko ng mahina kay Marie na katabi ko. 

" Pagbigyan mo na! Minsan lang mahiya ang mga babaero! " sabi nya at sabay ngiti namin pareho.

" Ok! Ahm... This song reminds me how tough she is na kahit anong gawin ko sa kanya she always end up with her own conclusion. Well, ano pa bang mapapala mo sa one sided person. Hmmm... But I'm happy to start my new life now. Thanks to her, pinamulat nya ako sa kahibangan ko nuon. After all the hardships of looking for her at that night, I told myself..... It would be the last time that I beg to a girl! Again, thanks to you my dear! " anya sabay kindat sa'kin.

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon