Vanessa's POV
" Nandyan na si Tita Joana! " sigaw ni Marie at dali-dali kaming tumayo para batiin sya. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa wrist watch ko ay may bigla akong naalala.
" Tita Sexy? " inosenteng tanong ni Baby Yam at hinila ang baby walker ni Mallows. Oo nga pala! Mag aalas diyes na ng gabi pero ni isa sa mga Brayzon walang alam kong anong meron ngayon.
Lumapit ako sa kanya at umupo na sakto lang sa lebel ng bata. Parang gusto ko na yatang maiyak sa mga nangyayari. Si baby Mallows, walang ka alam-alam at panay ang ngiti sa akin. Kitang-kita na nga yung mga ngipin nya.
" Happy Birthday Baby Yam! " bati ko ng mahina sa kanya saka ko sya niyakap ng mahigpit. Di ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Ayaw kong makita ng mga bata na nasasaktan ang Mommy nila ngayon, baka ano pang gawin nila at maka dagdag pa sa alalahanin namin. Matapos ko syang yakapin ay pinahid nya ang mga luha ko.
" Salamat po Tita Sexy! Pwede ko na po bang makausap si Mommy! Baka may surprise sila sa'kin ni Tito Dad kaya rin kayo nandito. " anya. Walang ka ide-ideya ang bata sa nangyayari sa mga magulang nya kasi nasa kwarto sila kanina nung dumating kami.
" Mamaya na baby Yam! Sasabihin ko pag pwede na ha? Sa ngayon! Matulog na muna kayo ni baby Mallows! " sabi ko at tinawag si Mila na anak ni Nanay Ester.
" Matulog ka muna, Tapos pag OK na lahat, gigisingin nalang kita OK? " pagpapaliwanag ko sa kanya. Alam kong masama ang magsinungaling pero minsan kailangan mong gawin 'to para kung yun ang nararapat.
Carine's POV
" Good Evening po Tita! " bati ko kay Tita Joana na kararating lang. Kasama nyang dumating si Jolas na panay ang tingin sakin at ngumiti. EWAN KO SAYO JOLAS! ANG BAGAL MO KASI.... NA UNAHAN KANA TULOY NI ERWIN!
" May sinasabi ka babe? " biglang tanong ni Erwin sa'kin kaya umiling ako.
" Carine.... Asan sya? " tanong ni tita Joana.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy & Daddy
RomanceSimple lang naman yung buhay ni Jeca, Kahit may pagka mataba sya, di naman sya na iinsecure sa mga kaklase nya at sa mga friends nya until one night nakilala nya si Royce. Na syang naging dahilan ng pagiging Instant Mommy nya at naging Instant Daddy...