CHAPTER 22: OUR PAST

9.2K 180 6
                                    

** 2 days before the wedding **

Jeca's POV

Simula nung may sinabi si Royce sa'kin, madalang ko nalang syang makita dito sa bahay. Di na nya rin ako sinusundo sa school. Pag tinatanong ko naman si Nanay Ester ang sagot nya "Maagang umalis" at panay ang pag oover time sa opisina. di rin sya nag te-txt sakin. 

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng school. Si Van at Carine nalang ang hinihintay namin kasi di pa sila tapos mag order. 

"Jec, ba't ang tamlay mo nanaman. Bawal sayo ang mahina sa party ha? " sabi ni Marie. 

"Oh? napano ka ba Jec? " tanong ni Van. Kadarating lang kasi nya kasama si Carine.

"Ewan ko, lately napapaginipan ko si Gino, na may suot akong wedding gown pero di naman pala sya ang papakasalan ko " sabi ko sabay subo ng steam rice. 

"ANOO? " sigaw nilang tatlo pareho

" Kasi, ganito yun......" 

<Flashback: Jeca's Dream>

Nandito ako sa harapan ng isang simbahan na pinalilibutan ng mga magagandang dekorasyon.. Parang may ikakasal, di ko lang alam kong sino. May pamilyar na lalaki ang lumapit sa'kin at nakangiti. Dun ko lang na pag alaman na sya pala ay yung taong gustong-gusto ko nang makita.

" San ka ba galing? di mo na ako binalikan nuon? " tanong ko kay Gino

" Palagi naman akong nasa tabi mo, di mo lang napapansin " sabi nya 

"Ba't nandito ako? " tanong ko sa kanya.

" Kasi ikakasal kana " sagot nya ng naka ngisi.

"Ikakasal na tayo? Talaga? " tanong ko sa kanya at parang bata na tuwang-tuwa pa.

"Gustohin ko mang ako ang makasama mo sa harapan ng altar pero malabo nang mangyari yun" tamlay na sagot nya habang hinahawakan ang aking kamay.

" Gino naman, wag ka ngang ganyan. Tiniis ko kayang maging single ng apat na taon para sa araw na'to, bakit di mo na ako papakasalan? " tanong ko sa kanya. Di ko maintindihan kung bakit parang masaya pa sya na di sya ang mapapangasawa ko.

" Di naman sa di kita gustong pakasalan, kung pwedi nga lang pero di kasi pwedi, alam mo yun? may nagmamay-ari kasi sayo" sabi nya habang tinitignan ako. Di ko alam ang takbo ng isip nya.

"Nagmamay-ari? ehhh.... ikaw lang naman yung boyfriend ko simula't sapol. " sigaw ko sa kanya. Nagsisimula nang gumigilid ang luha ko. 

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon