CHAPTER 20: POGI POINTS

9.2K 178 7
                                    

Royce's POV

Takam na takam ako sa pagkain na niluto ni Michelle. Grabeh... sa tanang buhay ko, ngayon palang ulit ako na busog ng ganito. My mom used to cook Filipino foods before nung nasa Sweden palang kami. I must say na kuhang-kuha nya talaga ang luto ni Mommy.

Halos di na nga ako makatayo dito sa lamesa kasi nga inuubos ko pa tong kaldereta. Si Michelle naman, nanghuhugas ng plato. Sina Marie at Carine muna ang nagbabantay kay baby Mallows.

" Anong petsa kaba matatapos dyan? " tanong ni Jeca habang nag pupunas sa lamesa.

Tinignan ko lang sya ng masama at kumain ulit ng kaldereta. Anong paki nya kong matagal akong kumain??

" Tayo na dyan Royce, Nakakailan ka na ehhhh" sita nya sakin at pilit akong pinapatayo. 

"Mamaya na kasi, tsaka di ko naman uubusin to" sabi ko 

"Talaga?" tanong nya. Kaya pala!! Natatakot siguro sya na baka maubos ko to!. 

" Tssss " sabi ko. 

Luis' POV

Nandito kami nina Royce na katabi naman si Jeca sa bandang gilid ng pool side, Si Kris naman na katabi si Marie sa table at kami ni Erwin ang nasa likod nina Carine at Vanessa. Naka upo din kami dito sa tabi ng pool area.

Ala una pa kasi ng hapon kaya tirik na tirik pa yung araw, pero later siguro @ 3 pm magsisimula na kaming maglaro ng basketball. Si Carine at Vanessa naman busy sa pag chichikahan. 

"Carine, gusto mo ng s'mores dip?" pang aaya ni Erwin

" Sige ba " sagot naman nya. Ang liit nga nitong si Carine pero maganda naman. Parehong-pareho lang silang magkakaibigan pwera lang kay Jeca na mataba pero maganda rin ha. Baka mapatay kasi ako ni Royce!

" Wait lang ha, kukunan kita" sabi ni Erwin sabay tayo

"Hala, Erwin teka! baka gusto rin ni Van " sabi ni Carine. 

Maka pogi points nga.....

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon