CHAPTER 41: CHEATING

7.6K 176 12
                                    

AN: ( Picture ng BRAYZON'S FAMILY nasa right side po! THANKIEEEE )

        

Yam's POV

" So, Parents lets start the meeting......... " pagsisimula ni Teacher Ela pero di parin ako umaalis sa arm chair ko. Di pa kasi dumarating si Mommy.

" Oh! Ryon? Why are you still here? Where are your parents? " tanong ni Teacher pero yumuko lang ako. Ang sabi kasi sakin ni Daddy nuon, wag na wag daw ako iiyak. I have to be brave!

" If they're not here, then you stay muna sa play ground. Baka maya-maya lang dumating na sila " kalmado nyang utos sakin pero di parin ako natinag.

Kinuha ko ang papel at lapis ko at tinignan si Teacher na naka tingin din sa akin at ngumiti. Si Mommy nalang kasi ang wala pa. Yung ibang mga kaklase ko nandun na sa play ground kasi nandito na sa classroom yung mga parents nila.

" Dito lang po ako teacher! baka po kasi ma late si Mommy ko, Isusulat ko nalang ko yung mga sinasabi mo. " sabi ko at nginitian sya.

" Napakabait mo talagang bata! Oh sige! I'll start the meeting na, OK? Just behave! " sabi nya at tinap ang ulo ko!

" Kawawa naman yung bata...Asan kaya yung mga magulang nya........." 

" Oo nga! Imbes na sa playground at nakikipaglaro sa mga friends nya......... "

" Eh, Baka Broken Family,, alam mo naman ngayon sa society natin.......... "

" Ok! So parents, lets start the meeting..... " pagsisimula na naman ni Teacher Ela at nakinig lang akong mabuti sa mga sinasabi nya.

Panay ang tingin ko sa bintana pero wala na kahit anino ni Mommy ang nakikita ko. Ba't ang tagal nya? Ang sabi nya kaninang umaga until 3:00 p.m lang klase nya.

Habang nagsusulat si teacher Ela sa mga activities namin for this year ay panay din ang kopya ko. Ako lang kasi ang estudyante dito at yung ibang parents panay ang tingin sa'kin. Di naman nila kailangan maawa sa akin kasi may pamilya ako. MAY PAMILYA AKO!

Jeca's POV

* SAN CARLOS MONTESSORI SCHOOL *

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon