CHAPTER 7: WRONG MOVE

12.2K 247 1
                                    

[EDITED]



Marie's POV




"Jec? ba't parati kang inaantok sa klase. Ang low pa ng grades mo sa Humanities kanina, eh ang dali-dali naman nun. Tapos sa Statistics pa ulit-ulit kang nag iiba ng answers mo. Di ka naman ganyan dati ahh?" tanong ni Carine.




Nandito kami ngayon sa American Corner ng Library nag tatago. Eh, kasi naman itong si Jeca kanina pa gustong matulog. Puyat na puyat yung mata tsaka parang walang gana.




" Eh, kasi si baby Mallows umiiyak kagabi, tapos madaling araw na natulog. Pag tulog ni baby Mallows matutulog din ako pero parang minutes lang ang binibilang ko kasi umiiyak na naman." sambit nya habang pumipikit ang mata.




Naaawa na talaga kami kay Jeca, Ang liliit na kasi ng grades nya. Minsan di pumapasok sa ibang subject kasi matutulog lang dito sa library. Buti di kami nahahalata ng librarian. Nilalagyan kasi namin ng Book Stand ang harapan ni Jeca para di halata na natutulog.




"Jec? diba may nanay nanayan naman si Royce? yun nalang kaya ang mag alaga sa bata. Nakakaawa kana kasi eh" sabi naman ni Van.



"OK lang talaga girls. Mas naaawa ako kay baby Mallows. Iniwan na nga sya ng nagpaanak sa kanya tapos iiwan ko pa sya sa iba. Sa akin nga lang sya tumatahimik." - Jeca




" Eh, paano na yan? malapit na ang Pre-Finals natin tapos ganyan kapa. Baka di kana makasali sa  Deans list nyan." - ako




" Napag isipan ko nang huminto nalang muna. Saka na ako babalik sa school pag 1 year old na siguro si baby mallows. " - Jeca




"ANOOOOOO?" pasigaw na tanong naming tatlo




"sssssssssssssssssh! " sita ng librarian.




" Nahihibang kana ba? Anong hihinto? LOKO ka! Ginawa muna dati yan pero nagawa ka naming pigilan. Wag mu kaming bigyan ng rason para sabunutan at sampalin kana naman ng ilang beses." pabulong kong sabi.

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon