Vanessa's POV
" Dalian mo Luis, baka kung ano ng nangyari sa bata! " bulyaw ko kay Luis habang nag da-drive.
Tumawag kasi si Baby Yam samin gamit yung cellphone ni Jeca at sinabing magpapasama daw sya sa'min. Kaya dali-dali naman kami ni Luis para makapunta sa Mansion ng mga Brayzon.
Mag aalas nwebe na ng gabi at hindi na rin matao dito sa Sampaguita Street. Ng makarating kami sa Mansion ng mga Brayzon, nakita agad namin si Baby Yam na naka upo sa labas ng gate.
" Baby Yam! " sigaw ko ng naka baba na ako sa kotse ni Luis.
" Shhhhh.... Wag ka munang maingay tita Sexy..baka ma dinig tayo ni Mommy! " mahinang sabi ni Yam at sumenyas sa'kin ng SILENCE!
" Baby Yam! Aminin mo? Naka buntis ka ba at tatakasan mo ang responsibilidad mo sa babae? " seryusong tanong ni Luis kaya hinampas ko sya ng bag. Turuan ba ng kabastosan yung bata.
" Tumigil ka! Kundi ikaw ang tatakasan namin! " pagbabanta ko kaya tinaas nya yung dalawang kamay nya sabay sabi ng
" SORRY NA! " anya at binaling ko ulit yung pansin ko sa bata.
" Bakit? Ano bang problema ha? Pinagalitan ka ba kaya gusto mung lumayas? " tanong ko sa bata.
" Hindi po ako lalayas Tita Sexy at Tito Pogi.... Nag promise po kasi ako kay Father Mike nung linggo na pupunta ako ng simbahan ngayon! " inosenteng sagot nya kaya natameme ako saglit.
" Anong gagawin mo sa simbahan baby Yam? ipag pa bukas mo nalang yan! " sabi ni Luis ng nilapitan nya ang bata.
" Hindi pwedi Tito Pogi! Kasi kung ipagpapabukas ko pa! Siguro di na maririnig ni Jesus yung hiling ko! Sige na po please! Di naman tayo magtatagal. Sandaling-sandali lang po 'to " anya at pinipilit kami ni Luis.
Wala naman din kaming magagawa kaya agad namin syang dinala sa San Roque Parish. Nakita rin namin si Father Mike at ang dalawang sakristan na hinhintay rin pala si baby Yam na dumating.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy & Daddy
RomanceSimple lang naman yung buhay ni Jeca, Kahit may pagka mataba sya, di naman sya na iinsecure sa mga kaklase nya at sa mga friends nya until one night nakilala nya si Royce. Na syang naging dahilan ng pagiging Instant Mommy nya at naging Instant Daddy...