Chapter 6

66 9 0
                                    

Ken at the side ----->

Shin's P.O.V

Hahaha! Ano sya ngayon? Pahiya sya! Ako pa kinalaban nya ha! Hahahahaha! Yeah. Panalo ako.

"Pre. Grabe ka. Dapat di mo na lang yun ginawa. Kaya pala nauna kana samin kanina." Ani Ken. Ba't ba sila nakikialam? Basta ako panalo ayos na saken yun! Hahaha.

"Pre. Pasalamat ka talag na sinabihan ako ni Kylie na wag makialam sa away nyo kundi nako!" Ani naman ni Xander. Wow naman. Tapang talaga ni Panget.

"HAHAHAHA. Pahiya sya eh. Ako pa kase kinalaban nya! Yan ang napapala ng mga nagtatapang tapangan!"

Di na sumagot ang dalawang Damuho. Naglesson naman ulet si Ms. Hindi pa din bumabalik si panget at yung kaibigan nya. Huh! Baka nagbigti na yun sa kahihiyan.

-----***-----

Natapos na ang buong araw di pa din bumabalik si panget. Hindi sa namimiss ko sya noh! Wag nga kayong madumi mag-isip! Tss.

Wala kase akong mapagtripan. Leche.

Makauwi na nga muna.

Kylie's P.O.V

Pagkatapos ko magbihis ng P.E ko. Di na kami pumasok ni Jane sa Dalawa pang subject na natitira. Hindi naman ako nahihiya dahil kanina. Ayaw ko lang makita si Shin baka kung ano yung magawa ko sakanya.

Pumunta na lang kami ni Best sa Library. Natulog lang kami. Hahahaha! Eh kase nakaka-stress yung kanina eh.

------****------

Nagising kami ni Best dahil may Gumising samin. Yung Librarian. Kanina pa daw yung uwian. Gosh. Nakaligtaan ko. Masyadong napasarap yung tulog namin.

"Best, Tara na! Baka kanina pa naghihintay sila manong satin. Susunduin ka ba ni manong Greg ngayon?" Tanong ko kay Best.

"Oo best. Tara na!" Ani nya sabay hikab.

Papunta na kaming parking area ng may narinig kaming kakaibang ingay.

Sumilip naman kami sa likod ng Van. Parang doon kase nanggagaling ang ingay.

"Best! Ano yun? Tingnan nga natin. Dali!" Bulong ni Best saken. Tumango naman ako.

Dahan-dahan kaming sumilip sa likod ng Van. T.T

Dapat pala di na lang namin sinilip. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko. Si ken may kahalikan na naman. Hinahalikan nya yung babae sa Leeg. Yung babae naman nakahawak sa batok nya. Ang sakit. Parang milyong karayom yung tumutusok sa dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko braso ni Best. Niyakap nya naman ako kaagad.

"Shh. Okay lang yan best. Wag kang umiyak ha? He don't deserve your tears. Makakahanap ka din ng lalaking hindi ka masasaktan. Okay?" Tumango lang ako. Di ko feel magsalita ngayon. Madaming beses ko na namang nakita si Ken na may kahalikan eh. Ba't parang sobrang sakit pa din?

Umalis na kami doon at pumunta na sa kanya-kanyang sundo. Nagpaalam lang si Best saken. Papunta na ako ngayon sa Sundo ko.

"Kuya. Sorry po pinaghintay kita ng matagal." Panghihingi ko naman ng paumanhin kay kuya.

"Nako, Okay lang po yun maam kylie. Seatbelt nyo po." Aniya.

----***---

Kararating lang namin sa bahay. Sinalubong agad ako ni Mommy.

"Hi princess. How was your day?" Sabi nya sabay yakap saken.

"It's fine mom. I just wanna rest right now. Im so tired. Dami po kasi naming ginawa sa school eh." I lied. I kissed her left cheek.

"Oh sige. Rest ka muna. Then magpapa-akyat na lang ako ng Food kay yaya ha?"

"Okay po." Sabi ko. Nagmamadali akong umakyat. Baka makita pa ni mommy na Namumula na ang mga mata ko.

Pagkapasok ko sa room ko agad naman nagsilabasan ang aking mga luha. Masyado akong nasaktan sa nakita ko. Pero kahit anong gawin ko mahal ko pa din si Ken. Ganun yata talaga ang love.

Nag half-bath lang ako at nagpalit na ng pajama.

Humiga na ako at umiyak lang ng umiyak. Hindi na lang siguro ako papasok bukas. Magpapalusot na lang ako kay mommy.

Iyak ako ng iyak ng kusa na lang akong napagod at nakatulog na ako.

--------

A/N. Sorry. Maikli ang update ko ngayon madlang Readers! Hahahaha! Nabura kase yung dapat kong update kaya eto na lang. Sa susunod na update hahabaan ko na talaga :) Hehe.

Happy Reading. Don't forget to vote :)

I Trusted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon