Kylie's P.O.V
Nakakawalang ganang pumasok. Nakakainis. Masakit pa din hanggang ngayon ang nangyari kahapon. Magmomove on na ako, Ang salitang madaling bitawan ngunit mahirap panindigan.
Kelan kaya ako makakahanap ng taong mamahalin ako ng Walang kapalit? May ganoon pa ba sa panahon ngayon? Sana nga, kase ayokong maging hopeless romantic.
Kanina pa ako dito sa room, Nag-iisa lang ako kase di pumasok si bessy. Masama daw pakiramdan nya. Ako naman di tumalab ang palusot ko kay mommy, mukha naman daw akong masigla. Uggh. Wala talaga akong talent sa pag-arte. Leche.
Nakita kong papasok ang perfect trios, Naunang pumasok si Xander tapos si Ken at Shin.
"Insan!" Bati saken ni Xander. Nginitian ko lamang sya. Wala ako sa mood makipagdaldalan.
NakakaBV ang mukha ni shin. Buwiset.
"Good morning Kylie!" Pambungad naman na bati ni Ken. Namula naman ako do'n. First time nya ako pinansin. Ba naman yan. Kung kelan mag momove on na ako saka sya mamamansin. Tsk.
"Good Morning din." Ani ko sabay ngiti. Nginitian nya lang rin ako. Sabay punta na nya kay Xander sa likuran.
"Tss. Anong nginiti-ngiti mo dyan? Panget eh!" Ani naman ni Shin. Buwiset talaga. Badtrip tong Lucifer na 'to.
"Ano bang paki-alam mo? Epal."
"Wow? Ako epal? Eh pag ang ibang babae nga pagpinapansin ko kinikilig eh!! Ang sabihin mo lang Bitter ka kase napahiya ka kahapon! Wahahaha!" Aniya habang naka pogi pose. Tss. Oo na! Pogi na sya! Sobrang sama naman ng ugali.
Wala namang nakikinig sa Away namin ni Shin kase yung mga kaklase ko may kanya kanyang ginagawa. Si Ken at Xander naman Nagheheadset. Kala nya nakakalimutan ko yung ginawa nya saken kahapon? Buwiset sya. Tingnan lang natin.
Hindi na ako sumagot, sinabunutan ko na sya kaagad. Ha! Yan ang mga napapala ng mga hinayupak na tulad nya.
"Aaahh! Aray! Panget! Bitawan---- ah! ---Ara--ay!" Nagsitinginan na ang mga kaklase namin. Wala akong paki. Ang gusto ko lang ay magantihan tong Luci na 'to. Nabitawan ko naman yung buhok nya kase naitulak nya ako sa Board. Na-corner nya ako. Aish. Hala! Eto yung napanuod ko sa mga koreanovelas na Hahalikan ng lalaki ang babaeng bida! Ahhhhhh! Hahalikan ako ni shin? No way! ERASE! ERASE!
Ang dumi ko na mag-isip. Huhu. Sana si na lang nag-absent si Jane. Waaaah!
"Huli ka Balbon! Not my oh-so-Stylish hair!" Sabi nya habang nilalapit ang mukha nya sakin. Patay na! Ito na nga yun! May gad. Wag naman sana. Jusko.
"Huy! Luci! Lumayo ka saking demonyo ka!" Sabi ko habang nagpupumiglas ako.
"Hahaha! Ano ka ngayon? Saka anong luci?" Aniya habang nilalapit pa lalo ang mukha nya! Hala! Ito na nga yun! Hahalikan nya na ako! Waaaaahhh! Di maari! Di nya pwedeng Makuha ang first kiss ko!
"Lucifer!" Yun na lamang ang nasabi ko kase sobrang lapit na talaga ng mukha nya. Aaaahhh! Naamoy ko na yung hininga nya, ang bango amoy mint. Saka mas lalo kong natingnan ang mga features sa mukha nya. Ang gwapo nya pala pag malapitan. Shit! Ano ba yan Kylie. Malapit ka na ngang halikan nyang lecheng yang pinupuri mo pa sya! Aish.
Naramdaman ko na lang yung labi nya sa labi ko.
OhSh1t. Hinalikan ako ng Mortal enemy ko! Waaaah! Mga 5 seconds nalapat ang labi nya saken. Myghad!
Gulat na gulat naman yung mga kaklasw namin pati na si Ken at xander. Patay na. Malaking issue toh. Pakshet talaga tong si Shin. Gago sya.
"Ahhh! F*ck you! First kiss ko yun! Gago &/$!$#*#!" Sabi ko sabay pinaghahampas ko sya at tumakbo na ako palabas. Buwiset. Angtagal naman kase ni Ms. eh. Talagang ngayon pa sya nalate. Kabanas. Hindi na umimik si Shin. Pati siguro sya nabigla sa ginawa nya. Gago sya. Leche. Napamura pa tuloy ako sa inis.

BINABASA MO ANG
I Trusted You
FantasyShe's not Kylie. She is Atalia. Atalia's Tale. ©All Rights Reserved