Andito na ako sa bahay ngayon. Nagtext si Jane na may inasikaso lang daw sya kaya hindi na sya nakabalik sa School.
Excited na talaga ako! Ilang hours na lang at magdidinner na kami ni Ken! Ohmygosh!
Nakapag-paalam na ako kay Mom pumayag sya. Inalok pa nga ako na sya na daw magmemake up sakin eh. Kaya ko naman kaya tumanggi na ako!
Naghahanap ako ngayon ng susuotin kong damit for our first dinner ni Ken. I can't believe it! Dati-rati pinapangarap ko lang ang mga ito ngayon nangyayari na! Isn't it amazing?
Hmm, aha! Ito na lang plain pink na dress at teternohan ko ng pink dollshoes. Ang cute ko siguro tignan nito! Hehe.
2 Hours na lang pala at Susunduin na ako ni Ken dito.
I wonder kung bakit hindi na ako ginugulo ng Gossip Girls? Hmm, Siguro nagsawa na sa kakachismis. Buti naman.
Naligo na ako at nagbihis. Tumingin ako sa Malaking salamin at tinignan ang kabuuan ko. Ang ganda ko naman ngayon!
Magpopowder lang ako ng konti at lipgloss. Oh, I almost forgot ang pabango ko!
Lumipas na ang Isa't kalahating oras at natapos na din ako sa paghahanda. Bumaba na ako at Sinalubong naman ako ni Mommy ng isang malapad na ngiti.
"Wow, anak! Ang ganda talaga! Manang-mana kay Mommy!"
"Anong kay mommy lang? Syempre kay Daddy din!" Wait? Boses ni Daddy yun ah? Am I hallucinating? Pagkatingin ko kay Mommy nag smile lang sya at tumingin ako sa Sofa andun si Dad nakaupo! Waaahhh!
Tumakbo ako kaagad patungong Sala at niyakap si Daddy ng mahigpit. Wala na akong paki kung magusot ang damit ko. Miss na miss ko lang talaga si Daddy!
Napaiyak naman ako, Dahil sa tuwa.
"O? Princess? Why are you crying? Aren't you happy that Im here? For good?" Waaaahhh! Lalo akong naiyak ng marinig ko iyong galing kay Daddy. Buti na lang at hindi ako naglagay ng eyeliner nor masakara.
"Of course Im very happy Daddy! I missed you so much! You didn't told me na uuwi kana pala. Edi sana sinundo ka namin!" Aniko. With teary eye pa yan. Sa ang saya ko lang talaga eh. Ilang taon na ding hindi nauwi si dad.
"It's a surprise princess!"
*Ding Dong* *Ding Dong*
Baka si Ken na iyon. I excused myself. Bubuksan ko muna ang gate. Busy kase sila yaya nagayos ng gamit ni Dad. Ipapakilala ko na lang din si ken.
Pagkabukas ko ng Gate bumungad sakin ang napakagwapong mukha ni Ke---- wait. What?!
"Shin??!" Oo. Si Shin nga. Bakit sya? Si ken ang dapat nandito not him!
"The one and only." He said and then he smirked.
Hindi ko pa sya napapaapak sa loob ng gate pero pumasok na sya. Kapal talaga.
"Teka? Why are you here? Where's ken? He's supposed to be my date not you!" Aniko.
Nagulat sya sa sinabi ko pero napalitan agad ang ekspresyong iyon. He smirked again.
"May emergency syang pinuntahan kaya Ako ang pinapunta nya. Pasalamat ka nga dyan eh!" He said. Ngumisi ulit. Bakit ba sya ngisi ng ngisi? Pero infairness bagay. OMG. May hunus dili ka! Pinagsasabi ko! Tsk.
"Salamat ha?" Note the sarcasm. He just smirked again. Tss.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?" Eh andito na nga sya sa loob ng gate kahit di ko pa sya pinapasok kanina eh! Leche.
BINABASA MO ANG
I Trusted You
FantasyShe's not Kylie. She is Atalia. Atalia's Tale. ©All Rights Reserved