Naglalakad kami ngayon ni bessy sa corridor. As usual madami na namang nakatingin samin at nagbubulungan.
Hinatid kase kami kanina ni kuya james sa school.
"Bessy, mauna kana lang muna sa room ha? May pupuntahan lang ako. Bye. Kitakits na lang mamaya."
"O sige. Ingat."
Nagmamadaling umalis si bessy at ako naman ay papunta na sa room namin, Kulang ang PT ng isa, wala kase si Xander at madami-dami na din ang nasa loob ng silid. Bago pa ako makapasok ay hinarangan ako ni Ken.
"Hi kylie, Are you free tonight?" Aniya. Sh1t na malagkit! Is he asking me on a date?! OHMYGOD!
Psh. Tumingin naman ang mga kaklase ko kase nasa pintuan pa lang ako eh sinalubong na ako ng pinapangarap nila! WAHAHAHA. Bongga Dba?! Nakita ko naman si Shin na salubong ang kilay at nakakunot ang noo. Ano na naman ba ang problema ng isang 'to? Tss.
"Ah, Yes. Bakit ken?"
"Yayayain sana kitang mag-dinner eh." Hihindi pa ba ako? Isa pa Crush ko naman sya eh! Tska matagal ko na din to pinapangarap. Yes! Mwahahahaha!
"A-ah. O cge ba! W-what time tayo magkikita?"
"Mga around 8 o'clock na lang. Susunduin kita sa Bahay nyo. Cge ah. Upo na'ko." Aniya at Hinatid pa talaga ako sa upuan ko. My goodness. Kilig mattttssss! Wwwwaaaaahhhh!!
I just smiled. Si bessy wala pa din. Nasaan na kaya yung bruha? Aish.
Boring tuloy. Maaga pa kase kaya wala pa si Ms. Tska 3 days na lang Hell week na! Sa lunes na! Owemgee!
Makapagbasa nga muna ng Pocketbook. Mabuti na lang at dala-dala ko ito araw araw.
Malapit na din ang Foundation Day namin! Sang Booth ba ako tutulong? Hmm. Sa Music club booth kaya? Aha! Sa Dance club booth na lang pala! Para palagi kong makasama si Ken! Hahahaha. Madalang ko na lang makita si Ken na makipaglandian sa kahit na sinong sexy sa school at maganda.
Ayy oo, Kasali sa Dance club si Ken at Xander. Sa Music Club naman si Luci pero may Dance group ang PT. Ako sa Art club then si Best sa Photography club.
Habang nagbabasa ako, Di ko maiwasang mapatingin sa paligid. Para kase talagang may nakatingin sakin, kanina ko pa 'to nararamdaman eh. Sobrang uncomfortable ko, Di ako mapakali.
Tumigil ang mata ko kay Shin. Nakatingin sya sakin ng masama, salubong ang kilay at nakakunot ang noo. Leche talaga. Noong mga nakaraang araw ko pa sya napapansin na ganyan kung makatingin. Tska, Hindi nya na din ako inaaway o iniinis. Di na nga namamansin eh. Buti naman. Tss.
Napansin nya na nakatingin ako sakanya kaya inalis nya kaagad ang masamang tingin nya saken. Kakausapin ko nga tong gagong 'to. Baka may malaking galit na ito saken.
Tska ba't naman sya magagalit saken aber?! Aish! Leche talaga! Ang gulo! Buti pa at isipin ko na lang kung anong isusuot ko mamaya sa dinner namin ni Crush! Yyyiiie! Hahaha. Kinikilig ako.
Nilagay ko na lang sa bag ko yung libro, Ganun din naman eh. Di ko maintindihan ang binabasa ko kase pre-occupied ang utak ko. Nasaan naba kase si Bessy?! Kabanas naman oh!
Dumating na lang si Maam at wala pang Jane. Pati si Xander. I wonder kung magkasama silang dalawa? Hmm. Eh?
Hindi naman sila Close eh! Ba't naman sila magkasama ngayon? Ewan. Nagiging paranoid na naman ako!
Malay ko din ba? HAHAHA.
Lesson....
Lesson....
Lesson....
Lesson....
Lesson....
Lesson...
Kriiiiiinnng!
Hurray! Nag bell na din! Break time na! Sino naman kasabay ko ngayon? Eh, wala nga si Jane? Langya yun!
-----
Papunta na ako sa Canteen ng hinarangan ako ni Ken. Kasama niya si Luci.
"Kylie. Wala kang kasabay? Sabay kana samin! Tara." Hindi ko pa nga sya nasasagot eh hinigit na ako kaagad. Okay nga yun eh! HAHAHA. Sh1t. Naninibago pa ako na ganto na pakikitungo sa akin ni Ken. Naiwan namin si Luci na naglalakad patungong Canteen.
Kararating lang namin sa Canteen ni Ken. Nauna kami.
OhmyGolly! Hinawakan nya kamay ko! Shocks!
Naglakad lang kami ni Ken sa Loob ng canteen at nasa likuran lang namin si Luci. Patungong table kami ng PT. Nagsitinginan naman ang mga chismosang estudyante sa amin sabay Bulungan. Mainggit kayo! >:D
"Anong gusto mong kainin? My treat!" Tanong ni Ken sakin. Hmm. Gutom ako eh. Pero diko naman pwedeng ipabili ang lahag ng gusto ko. Baka maturn-off pa sakin 'to!
"Ahh, Burger with fries nalang then Sunkist na juice."
"Okay. Ikaw dude? Anong gusto mo? Libre na din kita. Minsan lang 'to! HAHAHA."
"Tss. Wag na. Ako na ang mag-oorder. I can manage."
Ani Luci at umalis na sa Table namin.
"Ken. Ganoon ba talaga ang ugali ni Luci----este Shin? Bakit parang palaging may dalaw? Alam ko naman na ayaw nya sakin pero yung mukha nya parang pinagsakluban ng Langit at lupa."
He Chuckled. Ehhhh. Ang cute nya talaga.
"Selos sya eh. Hahahaha!""Huh? Kanino?" Naguguluhang tanong ko. Selos? Kanino naman? Sinasabi ko na nga bang may Hidden desire talaga si Luci kay Ken eh! Nako nako!

BINABASA MO ANG
I Trusted You
FantasíaShe's not Kylie. She is Atalia. Atalia's Tale. ©All Rights Reserved