"Honey, Are you okay? Bakit pulang pula yang mata mo?" Takang tanong ni Mommy.
Kararating ko lang dito sa bahay at yan ang bungad nya sakin.
Think kylie, Think!
"Ah hehe. Ahm ano po eh. Yung ano kase, yung pinanuod namin kagabi na movie ay sobra po akong naiyak.." Palusot ko naman. Napataas naman ng kilay si Mommy at nginitian ko sya ng tipid.
"Namin? Sino ba ang kasama mo kagabi?" Daddy asked while crossing his arms. What the! Kelan pa sila naging imbestigador? Goodness.
"Ahhm..." Shit, sino? Sino? Hindi pwedeng si Xander baka tanungun nila yun. Aish!
"Si Sky po." Bigla na lang yun lumabas sa bibig ko. Bakit yun pang manyakis na yun?
"Sky? So you mean all the time you're with that Sky huh?"
"Opo--I mean, hindi lang po siya. May iba pa po kaming kasama. Sige na po, akyat na ako." Dali-dali na akong umakyat sa taas. Phew! Muntik na yun!
Agad kong isinara ang pinto pagkapasok ko at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan para makapahinga na ako.
Bago pa ako makalabas sa banyo ay nadulas ako at naumpog ang ulo ko sa lavatory kaya naman nawalan ako ng malay.
'Atalia, anak. Gumising kana. Malungkot ako kasi mag aanim na buwan ka nang tulog...'
Bigla na lang akong napadilat. Inilibot ko ang aking paningin at unti-unti kong naaninag ang isang imahe ng babae na nakaupo sa gilid ko.
Napakurap-kurap naman ako. Para bang ilang buwan akong nakapikit, nangangalay ang aking mga binti at braso.
Sinubukan kong magsalita ngunit sa pagbuka ng aking bibig walang lumabas kahit na isang salita.
"Atalia, gising kana! Salamat naman!" Niyakap ako ng babaeng napaka-pamilyar sa akin.
"A-a-aking ina, ano po ba ang nangyari?" Sa wakas ay nakapagsalita na ako.
"Anak, hindi mo pa ba tuluyang naaalala? Hayaan mo at ikikwento ko na lamang sa iyo." Tumango ako ng marahan sabay hinaplos naman ng aking ina ang aking pisngi.
"Gumagawa ako ng Potion noon, habang gumagawa ako ng potion bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na sigaw. Dali-dali akong lumabas ng ating kubo, kahit kasi palagi kong sinasabi sa iyo na bawal kang lumabas ng ating kubo eh, napakatigas ng ulo mo, Atalia. Kaya naman, kinabahan na ako baka ikaw ang sumigaw. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita na lamang kitang nakahandusay doon malapit sa Fortress Tree at ang lubos kong ikinabahala ay mayroon kang kagat ng Daylight Sparrow. Alam mo naman kapag nakagat ka ng nilalang na iyon hindi ba, anak? Maaari kang malason ng laway nito at unti-unti kang mawawalan ng balat o maaari din na makatulog ka ng sobrang matagal. Kaya naman anak, huwag ka ng lumabas ng ating kubo kung hindi ko naman ipinag-uutos ha? Sobra mo akong pinag-alala, Atalia. Mabuti na lamang at pina-inom kita kaagad ng katas ng Barumbadum. Huwag mo ng uulitin Atalia. Maliwanag ba?" Tumango ako ng tatlong beses at pinunasan ang walang tigil sa pagtulo ng luha sa pisngi ng aking Ina.
"Hindi na po mauulit, ina. Patawad po."
Ramdam ko ang lubos na pag-aalala sa boses ni Ina. Nakaramdam ako ng saya dahil sa mahabang panahon na nakahiga lamang ako ay nagising na din ako ng tuluyan.
Ngunit sa kabilang banda, nalulungkot ako sapagkat panaginip lamang pala lahat ng nangyaring iyon. Sa kagustuhan kong magkaroon ng normal na buhay, ay napanaginipan ko iyon. Lubos akong nagpapasalamat dahil kahit sa panaginip ko lamang iyon naramdaman, naramdaman kong maging normal na babae, naramdaman kong magkaroon ng kaibigan at higit sa lahat walang kapangyarihan.
Parte lang pala ng aking magulong imahinasyon si Jane, si Shin, si Xander, si Ken at si James.
BINABASA MO ANG
I Trusted You
FantasyShe's not Kylie. She is Atalia. Atalia's Tale. ©All Rights Reserved
