Chapter 20 - Atalia's Tale

13 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa itaas ng Andreda Tree, kausap ang Forest Guardian na si Suelita na nakalutang malapit sa kinaroroonan ko.

"Suelita, kamusta ka naman?"

"Okay lamang ako, Atalia. Ikaw? Ang tagal mo naman nagising! Wala tuloy akong kausap tuwing umaga at hapon!" Aniya habang lumilipad lipad sa harap ko.

Napangiti naman ako ng bahagya sa kanyang tinuran.

"Pasensya na, Suelita. Pero alam mo ba na noong nakatulog ako ng mahabang oras eh, nanaginip ako na nasa mundo ako ng mga tao!" Sabi ko naman sa kanya.

Hinaplos ko naman ang balahibo ng Balwedro na biglang lumapit sa akin.

Isa itong ibon na kumakanta kapag nakakaramdam sila ng peligro.

"Talaga? Ano naman ang nangyari sa iyong panaginip?"

Umayos naman si Suelita ng upo na para bang lubos siyang interesado sa susunod kong sasabihin.

"Anak maharlika daw ako doon. Tapos mayroon akong mga kaibigan na palagi kong kasama at kausap.

Saka, may kaibigan ako na mayroon'g pangalan na Shin, Xander, Ken, Jane. Basta ganoon, hindi ko na gaanong maalala eh, saka mayroon'g mga gamit doon, lugar na hindi ko alam na may ganoon pala!"

"Wow! Sana maranasan ko din na magkaroon ng normal na buhay!" Anito at pumalakpak pa sabay umikot.

Nagkislapan naman ang kanyang damit na tila gawa sa ginto at ang kanyang buhok na kulay lila na hanggang baywang ay parang sumasayaw sa hangin.

Nginitian ko na lamang siya at muling nagmuni-muni.

Ilalagay ko na sana sa sanga ang Balwedro ng bigla na lamang itong kumanta ng malakas at lumipad paitaas.

Tinignan ko si Suelita na natataranta at hinihila ang buhok ko pababa upang bumalik na sa amin'g kubo kung saan naroroon ang aking ina.

"Sandali lamang, Suelita!" Bulong ko rito at minanmanan ang paligid.

"Anong sandali lamang ang iyong pinagsasabi, Atalia? Hindi mo ba narinig na kumanta ang Balwedro? Ibig sabihin, may paparating na panganib! Halika na! Humayo na tayo!!" Natatarantang aniya.

Nanatili lamang akong tahimik at inilibot ang paningin.

Mayroon nga akong nararamdaman na kakaiba sa hangin. Mayroon din akong nararamdaman na kakaibang presensya.

Para bang mayroong mabigat at malakas na enerhiya na gusto kumawala dito.

"Shh, tumahimik ka muna Suelita. Huwag kang maingay diyan at kinailangan kong makiramdam sa paligid..."

Pumikit ako ng bahagya at mayroon akong nakikitang itim na usok sa direksyon kung saan bago ako pumikit.

"Halimaw." Nasabi ko ng wala sa sarili.

Agad naman nagtago ang munting Forest Guardian sa bulsa ng aking pang itaas na damit.

"Atalia, umuwi na tayo. Natatakot ako..."

"Huwag kang matakot basta kasama mo ako Suelita. Huminahon ka lamang diyan."

Tumayo ako sa inuupuan kong sanga at dahan dahan na nagtago sa malalagong dahon ng puno.

Lumabas sa kinaroroonan ang halimaw at tila ba mayroon siyang hinahanap.

Humihingos pa siya at umiikot ikot.

Nakakatakot ang kanyang itsura, kahit si Suelita ay nanginginig.

Malalaking ngipin na halatang sobrang tulis at mayroon pang parang malapot na likido at ang kanyang balat ay nababalutan ng balahibo na itim.

Ang kanyang pang-ibabang anyo ay parang tao, ngunit ang kanyang hitsura ay parang kabayo na ahas na may malalaki at mahahabang pangil. Hindi pa ako nakakita ng ganito! Ngayon lamang.

Agad akong nag cast ng spell na babalutin kami ni Suelita ng invisible white smoke upang hindi niya kami makita at maamoy.

"Blanc sort de fumée!"

Nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod ito sa kinaroroonan namin. Agad na lumabas si Suelita sa bulsa ko at huminga ng malalim.

Ngunit bago pa ako magsaya ay agad din naman akong tumalon pababa ng puno.

Ang halimaw papunta doon sa kubo namin! Nandoon ang aking ina!

"Suelita! Ang halimaw papalapit sa kubo!" Taranta kong ani sabay takbo papunta doon.

Sumunod naman siya sa akin. Napatigil sa paglalakad ang halimaw dahil siguro narinig niya ang aking mga mabibilis na yapak.

Luminga linga ito ngunit hindi niya pa din kami nakikita dahil na din sa tulong ng spell.

Kinuha ko ang pagkakataong ito upang mag cast ulit ng spell upang gumana ang aking kakayahan na kapag ano ang sinabi ko na mangyari ay mangyayari ito basta ito ang aking hangad.

Ako at ang aking ina lamang ang nakakaalam ng spell na ito.

"Tout ce que je dis, il doit arriver sort!" Bulong ko.

Pwede na akong hindi gumamit ng spell.

"Defenseless!"

"Vanish!" Pagkasabi ko noon, nawala na sa aking paningin ang halimaw.

Si Suelita naman ay pumalakpak.

"Ang galing mo talaga, Atalia!" Nginitian ko lamang siya at nagtungo sa kubo.

"Ina! Nandito na po ako!" Kumunot ang aking noo nang walang sumagot.

Bigla na lamang akong kinabahan. Tiningnan ko si Suelita na nag iikot sa bahay.

"Wala naman dito ang iyong ina. Subalit ang inyong kusina ay parang dinaanan ng bagyo at nawawala din ang iba mo'ng gawang potion, Atalia!"

"Ano?!" Pumunta ako sa kusina at totoo nga. Madaming nabasag at nasira. Sino kaya ang may gawa nito?

Ginamitan ito ng Dark Sorcery. Kung Dark Sorcery ito... ibig sabihin mayroon'g nanggaling dito na Dark Sorcerrer!

Nasa panganib ang aking ina!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Trusted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon