Chapter 15 - Who's the Spy?

39 6 1
                                        

Kylie's P.O.V

"Say ahh." Susubuan ako ni Ken ng Halo-halo! OhmyGosh!

"Sh*t!"

Nga-nganga na sana ako ng biglang may bumato kay Ken ng Buto. Buto? Saan nanggaling yun?

Nagulat si Ken sa buto na tumalsik sa kamay nyang may hawak ng kutsara na sana ay isusubo nya sakin, Tsk! Kainis talaga. Panira ng moment eh. Kung kelan susubuan na ako ni Ken saka naman may Buto na tumalsik. Sino kaya may gawa nun? Bastos sya!

Konti lang naman ang tao sa Leslie's ngayon. Tska dalawa lang ang table na occupied sa Labas ng resto. Hayaan na nga, baka di naman sinasadya.

"Saan kaya nanggaling yun?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang bibig ko ng tissue.

"Yaan na yun, nantitrip lang siguro." Ken said habang nagsigh.

"Say ahh! Susubuan na lang ulit kita!" Susubuan na sana ako ni Ken ulit ng tumayo naman ang lalaki na nagbabasa ng Dyaryo at sinagi ang tagiliran ni ken kaya ang resulta muntik na matapon ang halo-halo sa damit ko, Seriously? Ang luwag ng daanan sinagi nya pa talaga si Ken? Kainis talaga! Sino ba yung lalaking yun? Yung totoo? Ayaw talaga pumayag ng tadhana na masubuan ako ni Ken? Tss. Hindi pa talaga nag sorry! Psh.

"F*ck! Sorry Ky! May sapak yata yung lalaking yun eh! Aniya, medyo naiirita na sya. Malamang sa Alamang! Sino ba namang hindi mababanas eh Take two na nga yung subuan namin eh! Tsk.

"Hindi, ayos lang. Wala lang yung magawa sa buhay nya." yun na lang ang nasabi ko, alangan namang i-voice out ko iyong mga iniisip ko!

Hindi na lang ako nagpasubo ulit kay Ken at baka matuluyan na yung damit ko. Nagpasya na lang kaming umuwi pagkatapos.

*********

A/N:

Maiksi lang ang update readers! Hehe. Sorry. Pramis sa Sat/Sun mag-uupdate ako. Excitedna kase ako kase malapit na ang Climax. Hahahaha. Tska medyo busy din po ako kase may Concert po kami. :)

I Trusted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon