Chapter 5 - The Revenge

110 9 0
                                    

Shin at the side -------> :)

Ang pogi noh? Nyahaha.

Shin's P.O.V

"Sa susunod kase, wag ipahalata ang Kabadingan! Sige ka nyan, mawawalan ka ng Fans Club!" Sabu nya na nakangiti pa. Buwiset tong Lousy na toh. Uggh!

Umalis na sya habang nakangiting tagumpay. Aish. Di talaga ako manalo nalo sa babaeng toh. Kainis.

I was left there dumbfounded. Sinisink in pa yung sinabi ni kylie. Tsk. Ako? Bading? Hah! Tingnan lang natin. Kakainin nya yang sinabi nya. Makakaganti din ako sakanya. Mwahahaha!

Bumalik naman ako sa huwisyo ng marinig ko sila Xander at Ken na nagtatawanan. Bumalik na ako sa table namin.

"Wala ka pala pre eh! Talo ka na naman ng Pinsan ko! Hahaha!" Sabi ni Xander, hawak hawak pa tyan nya sa kakatawa. Tss. Mga buwiset.

"Hahahaha! Bading ka daw pre? Hahahaha! Nga-nga!" Ani Ken. Aish. Mga kaibigan ko ba talaga tong mga toh? Tss.

"Manahimik nga kayo! Makakaganti din ako sa panget na yun! Maghintay lang kayo!" Sabay binatukan ko silang dalawa.

"Aray! Para san yun?" Sabay nilang sabi.

Aba. Tarantado tong mga toh. Tinanong pa talaga kung para san yung Batok. Aish. Nakakabobo talaga to kasama.

"Para matauhan kayo! Babae lang yun. Kayang kaya ko yun. Hahahahaha!"

"Basta ba pre wag lang pisikalan. Ayokong masaktan sya." Ani Ken. Luh? Ano namang pakialam nya kung masaktan yung panget na yun?

"Dude. Pinsan ko pa rin yun ah." Ani Xander.

"Tss."

Huh. Humanda lang talaga yung panget na yun saken. Kala nya palalagpasin ko yung ginawa nya. ASA SYA!

Napatingin naman ako sa side nila Panget. Nagtatawanan pa din sila. Tss. Kainis. Leche sya.

"Dudes, Una na ako sainyo. May pupuntahan lang ako."

"Geh lang." Xander said.

Si ken naman, Di sumagot. May kalandian sa kabilang table. Laswa ng lalaking toh. Torrid pa yung kiss. Landi talaga, Kahit sino pinapatulan.

Palabas na ako ng Canteen habang pinaplano ko yung Gagawin ko kay panget. Tingnan lang natin kung di sya umiyak. Nyahaha! >:D

Xanders P.O.V

Astig talaga ng Pinsan ko! Hahaha. Akalain nyo? Madaming beses nya na napa nga-nga ang isang Shin ji Park? Walang naglakas loob na kumalaban do'n sa Kumag na yun. Hahaha! Pinsan ko lang pala makakatalo dun eh.

"Dudes, Una nako sainyo. May pupuntahan lang ako." Ani shin sabay tayo.

"Geh lang."

Mag-isa lang ako dito sa table. Si Shin umalis na, si Ken naman nakikipaghalikan pa. Nako naman talaga. Kalandi ng taong 'to.

"Xander, Una na kami ah." Si Kylie. Syempre nagpapansinan kami kahit magkaaway sila ni Shin. Pinsan ko kaya sya. Ewan ko ba dito sa Babaeng to kung bakit nagkagusto toh kay Ken. Oh? Gulat kayo noh? Hahaha. Syempre. Instincts lang yan. Halata naman kasi eh.

"Cge."

"Hoy Ungas! Tara na! Baka malate pa tayo. Landi mo ui!" Sabi ko sabay Hila ng kwelyo nya. Buwiset. Kanina pa sya di pa rin tapos.

Kamusta naman lovelife ko? :( Wala pa akong natitipuhan.

"Pre. Inggit ka lang eh. Tara na nga! Nabitin tuloy ako sa session ko. Aish."

I Trusted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon