"Bes please? Cge na! Pumayag ka na!" Habang sinasabi nya yan, tumatalon-talon pa sya sa kama ko.
8:14 A.M pa nga lang eh. Ang aga-aga nya kayang nambulabog. Tsk. Sarap pang matulog lalo na't sabado ngayon. Kakatapos ko lang kase kumain. Aakyat na sana ako ulit para matulog eh, ayan. Dumating ang bruha at nagsimula ng mamilit.
"Ba't ka ba kase ang aga nambubulabog dyan? Tss."
"Eh sa gusto ko eh! Mas maganda kung maaga!"
"Anong maganda kung maaga? Ayoko! Bukas na lang!" Masungit kong sabi kay Jane.
"Bessy! Cge na please? Mag-shoshopping lang naman tayo eh!"
"Ayaw! Mas gugustuhin ko pang matulog kesa magshopping! Kaya kung pwede ba bessy! Tigil-tigilan mo na yang kakatalon sa kama! Nakakahilo ka!"
Napaupo ako na sapo-sapo ang noo. Nahihilo ako sa ginagawa ni bessy. Tsk.
"Ayy, hehe. Sorry. Pero, please bessy! Samahan mo na ako! Saglit lang naman eh." Umupo na sya sa kama at hinarap ako.
"A-YO-KO!" Bigla syang lumungkot at namula na yung mata nya, tumayo naman sya galing sa pagkakaupo sa kama at humarap sa akin. Pero bakit parang napangiwi sya o namamalik mata lang ako?
"Sige ganun ka naman talaga bessy eh, Konting time lang hinihingi ko sayo kase hindi na tayo nakakapagbonding masyado ayaw mo naman! Ganyan ka na eh! Uwi na nga lang ako."
Teary eye na talaga sya. Hayys. Ang galing talaga mangonsensya nito. Akma na syang tatalikod sa akin ng hinawakan ko ang wrist nya galing sa likuran nya. Napangiwi ulit sya?? Bigla naman syang ngumiti sa akin at binawi ang kamay nya.
"Kainis ka! Ang galing mong mangonsensya!!" Ani ko.
Lalong lumawak yung ngiti nya.
"Ibig sabihin sasamahan mo na ako? Magmo-mall na tayo? Payag ka na? As in?" Aniya. Nakahawak na sya sa magkabilang balikat ko. Tumango naman ako.
"Unli tayo? Ganun? Umupo ka na nga lang muna. Maliligo at Magbibihis lang ako."
"Okay!!"
Pumasok na ako sa Walk-in closet ko at pumili ng simpleng outfit.
Hmm, Faded blue Ripped jean, Fitted Peach Crop top and Keds.
Tadah! Yan lang! Simple lang di ba?
Lumabas na ako sa Closet ko and pumunta na ako sa Cr.
+++++++++
Kakatapos ko lang magsuot ng damit. Pumunta na ako sa Bedroom ko at naabutan ko si Bessy na Nakatulog sa sofa. Tingnan mo nga naman, Ang aga nambulabog pero inaantok pa pala. Pasaway!
Hindi ko muna sya ginising, Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa bedroom. Ang laki ng pinagbago ng itsura ko, Pansin ko, Nagagandahan na ako sa sarili ko. Dati naman napapangitan ako.
Naglagay ako ng pang Day cream at Lipgloss.
Pagkatapos Nilagay ko sa maliit na bag ko ang wallet at Cellphone ko.
"Bessy, Gising!" Tawag ko sakanya habang inaalog sya.
"Hmm."
"Huy! Tara na! Cge ka baka umayaw ulit ako!"
"Ay! Hehe. Sabi ko nga!" Aniya sabay hila sa akin.
Masyado naman yata tong excited eh! Salamat naman at hindi kami nahulog sa hagdan sa bilis ng lakad namin.
"Bye Mommy! Mall lang po kami!" Sigaw ko kay mommy kase nasa kusina sya.
"Bye tita!"
Jane's P.O.V
BINABASA MO ANG
I Trusted You
FantasíaShe's not Kylie. She is Atalia. Atalia's Tale. ©All Rights Reserved
