"What is this?" Inis kong tanong sa driver ni Daddy.
Papasok na sana ako sa school nang biglang harangin ako ng driver ni Daddy. Tumingin naman ako sa loob ng sasakyan pero wala siya roon.
Nakita ko rin sa garahe kanina na wala roon ang isa pa niyang sasakyan marahil ay iyon ang dala niya sa trabaho.
"Pasensya na mam pero inutusan po ako ng Daddy nyo na ihatid kayo sa school niyo." Nakatungo nitong sabi sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko, Aalis na ak-."
"Sa paaralan nga ba ang punta mo?" Nangibabaw naman ang boses na iyon sa bandang likod ko. Hindi ko naman siya hinarap dahil wala akong ganang makipagaway sa kanya.
"O sa club? bilyaran? sa kalye para makipagaway?" Dugtong pa nito at tumawa. "Hindi ka ba natutuwa sa sinuggest ko sa Daddy mo? "Humarap ako sa kanya at naroroon ang tingin niya sa sasakyan ni Daddy. Tama nga ako, Siya ang may pasimuno nito. "Titigan mo lang ba ako Calli? Hindi ka man lang magpapasalamat sa ginawa ko?" Mas lalo pang lumakas ang tawa nito.
I glanced at her. Naagaw agad ng paningin ko ang magara nitong suot na sigurado akong pasalubong sa kanya ni Daddy galing sa business trip nito.
"Maganda ba?" She proudly said while turning around. Napansin niya sigurong nasa kasuotan niya ang damit ko. "Pasalubong ito sakin ng Daddy mo habang ito naman.." Itinaas niya ang may kalakihang paper bag na hawak niya. "Pasalubong kay Raven, Ikaw?" Ngumisi ito.
I smiled at her. "Bagay sayo..." Pagpuri ko sa kasuotan niya, Mas lumawak pa ang ngiti nito. "Pero bakit parang may kulang Tita?"
"What?" Tumingin din siya sa kasuotan niya nang nakakunot ang noo. "Wala nam-"
"This one." I throw my chewing gum in her dress. Kanina ko pa iyong nginunguya kaya napangiti ako ng dumikit ito, Sa bandang tyan pa tumama.
"Perfect, You're so fucking gorgeous with a chewing gum."
Agad nawala ang ngiti nito habang nandidiring nakatingin sa babolgam na nakadikit sa bago niyang dress. "Bastos ka talaga!"
Hinila niya agad ang kamay ko at akmang sasampalin nang biglang may kamay na pumigil sa kanya.
"Goodmorning Madam." He greeted while smilling at me.
"Who is this guy huh!? Let go of me! Tuturuan ko ng leksyon ang walang kwentang bata na ito." Galit paring sigaw ni Tita habang pinipilit agawin ang kamay niya kay Kill.
Nakita kong mas humigpit ang kamay nito na nakahawak sa kamay ni Tita. Dahan dahan siyang humarap rito nang hindi parin tinatangal ang mga ngiti sa labi.
"Anong ginawa mo Calli at mukhang sasampalin ka ng katulong niyo?" Inosente at tila nagulat pang tanong nito sa akin.
Napabulalas ako ng tawa sa inasal ni Kill. Sinasadya niya iyon dahil kilala naman niya ang Tita ko. "Katulong? Mukha ba akong katulong ha? Bitawan mo nga ako!"
"Medyo." Inosente paring tugon niya at saka binitawan ni Kill ang kamay nito na pumula na dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya.
Bago pa man may gawin ang Tita ko ay hinila na agad ako ni Kill papunta sa motor niya. Iniwan naman naming nagsisigaw sa galit si Tita roon.
Nang nasa biyahe na kami ay wala paring tigil sa katatawa si Kill dahil sa ginawa niya. Maging ako naman ay nakikitawa na rin dahil sa kagaguhan niya.
"Mukha naman siyang katulong diba?" Maslumakas pa ang tawa nito.
"Paniguradong magsusumbong yon kay Daddy." Dugtong ko pa. "Sinira niya agad ang umaga ko... Papasok ka ba?" I asked him.
YOU ARE READING
Our Battlefield (Sports Series #1)
Non-FictionWhat is more important than Football? Love was everything i thought it would be but Football was even better. I don't know what's the real meaning of love. As long as I have my ball to kick it away, I'm happy. Who I am? Rhys Vergel L. Agustin, The F...