I woke up because of the noise coming from outside. It was my Daddy. He's laughing like there's no more tomorrow.
"Nakauwi na agad sila?" I whispered.
It looks like he's talking to someone because I also heard an unfamilliar voice. I just ignored them and did my morning routine.
Linggo kaya wala akong classes ngayon. Nang matapos ang birthday ni Celestine ay hindi na rin kami nagkakita kita pa. Inihatid ako ni Amara sa bahay kahapon rin ng umaga.
"Mam Callie." Napatingin ako sa pinto nang kumatok roon ang isa sa mga maid namin. I opened the door and she immediately smiled at me. "Ito po ang breakfast n'yo."
Inabot niya sa akin ang tray na may rice, egg and sandwich. May juice rin na kasama iyon. Nasanay na silang pagdalhan ako sa kwarto ko dahil hindi naman ako sumasabay kila Daddy. Lalo na ngayon na mukang may mga importante silang bisita.
I handed the tray and put it on my side table. "Sino'ng nasa baba?" Tanong ko habang kinukuha ang juice sa kaniya.
"Alcances Family ho, Iyon ang rinig ko Miss Callie." Magalang nitong sagot sa akin. Tumango naman ako at sinarado ang pinto.
"Alcances?" I whispered.
Kung hindi ako nagkakamli ay iyon ang may ari ng resort na pinuntahan nila sa Cebu.
Hindi ko na lamang muling inisip iyon dahil hindi ko naman sila kilala. Kinuha ko ang breakfast ko at sinimulang kainin iyon. Nang matapos akong kumain ay iniwan ko na lamang yon sa labas ng kwarto ko dahil ang maid na ang bahalang kumuha don.
Isinalpak ko ang sarili ko sa long couch na katabi ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko nang magvibrate iyon. Bahagya akong natawa ng makita kung ano iyon.
TheZohair started following you.
Celestine started following you.
Hindi na ako nagtaka kung saan nila nakita ang Instagram account ko dahil sigurado akong nakita nila iyon sa IG story ni Amara kagabi.
Napangiti ako nang maalala ang larawang iyon. Picture namin yon noong gabing nasa rooftop kami, Nasa gitna si Celestine habang katabi niya si Rhys na salubong ang kilay. Si Warren naman ay nakatayo sa likod namin at kunwaring hahampasin si Rhys ng bote ng wine. Nakaakbay naman samin ni Celestine si Amara na ngiting ngiti sa camera.
I followed them back. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong iview rin ang IG story nila dahil nakatag rin ako roon.
Una kong tiningnan ang kay Celestine. Masyadong marami iyon kaya iyong nakatag na lamang ako ang viniew ko. It was us. Me, Amara and Celestine. Tabi tabi kaming nakaupo sa big bean couch don.
'Thanks for tonight, My girls.'
And my lips parted when I saw Warren IG story! "P-Putangina." I whispered.
It was us! Kami ni Rhys! Nakatayo kaming dalawa at parehas kaming nakatalikod. Hindi siya gaanong katangkad sa akin pero bahagya parin siyang nakayuko dahil mas matangkad parin siya sa akin habang ako naman ay nakatingin sa langit.
"Kailan 'to?" Hinihilot ko ang ulo ko at pilit inaalala ang pangyayari kagabi.
I nodded and not taking off my eyes into them. "When I'm happy, sad or feel lonely. They're with me. When everybody leaves me, I have them. They're like my home for me."
"I agreed with you and for me.." I looked at him when he stopped talking. He's looking at me now. We're both staring each other under the moon and millions star. "It's the most prettiest thing I've ever seen."
YOU ARE READING
Our Battlefield (Sports Series #1)
No FicciónWhat is more important than Football? Love was everything i thought it would be but Football was even better. I don't know what's the real meaning of love. As long as I have my ball to kick it away, I'm happy. Who I am? Rhys Vergel L. Agustin, The F...