Chapter Fifteen

11 2 0
                                    

"Oh, here they are." Daddy came out from the dining area. "Come with us, Please." Masayang pagtawag niya kay Rhys na nasa akin parin ang mga mata. Umakbay naman si Daddy kay Raven papuntang dining area kaya sumunod naman kami.

"Good evening, Mr. Anthony." Rhys put his brother on the floor, dumiretso naman agad ito sa mga pagkain kaya nagtawanan sila. "Rhys Adams Agustin, Thank you for inviting us." Seryoso niyang saad.

Ang gwapo ng pangalan, Hindi man lang iniangkop sa mukha niya.

Daddy smiled at him. "Anthony Cuesta. It was nice meeting you." Iniabot niya naman ang kamay niya. "Is he the eldest?" He looked at Rhy's mother na pinupunasan na ng tissue yung bata nilang kasama dahil sa ice cream na kumayat sa damit nito.

"No. He is the middle." She stood up and called their yaya para ayusin ang mukha ng bata. "I thought you're...." She looked at Rhys pero hindi na niya pinatos ang sinasabi nito at humalik na lamang sa pisngi ng ina. 

"Oh. Sit down." Ani ni Daddy. Nagsiupo naman ang lahat. Nasa dalawang dulo si Daddy at ang Daddy nila Rhys. "Enjoy the dinner, please." Masayang sabi ni Daddy.

"You improved a lot, Anton. Balita ko ay isa ang kompanya mo na nakakuha ng matataas ng ratings." Nakangiting sabi naman ng Daddy ni Rhys habang inilalabas ng mga katulong namin ang mga hindi pamilyar na pagkain sa harap ko.

"Well, Thanks to Dad." He laughed. "Oh before I forgot, This young man is my son." Umakbay siya kay Raven dahil malapit lamang naman ito sa kaniya. 

"Raven, Sir." Pagpapakilala ni Raven at bahagya pang yumuko. Ramdam na ramdam mong hindi siya komportable sa lamesang ito.

He nodded. "Yes, I know you. You're my eldest son's friend, right?"

Tumanggo naman ito.

Kaunti na lamang ay aalis na ako sa lamesang ito dahil ramdam na ramdam ko ang pagiging hangin.

"He's one of the top students from FEU." Nakangiti namang pakikisali ni Tita Veron na bahagya pang sumilip sa akin.

Pero hindi iyon pinansin ng tatay ni Rhys sa halip ay tumingin sa akin. "And you're Callie, right? I'm Oscar Agustin." Natawa pa ito nang hindi ko siya sagutin sa halip ay ngumiti lamang ako sa kaniya.

Eh ano bang sasabihin ko pa? Alam naman pala niya ang pangalan ko.

Tumikhim si Daddy kaya umayos ako ng upo. "She's studying in Ateneo and a failure."

I sighed.

I bit my lips to stop my tears. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon sa harap nila.

Mr. Oscar laughed. "Don't be too harsh to her." He looked at me and gave me a small smile. "I'm very close to your mother." 

"Oscar?" Mrs. Agustin yelled kaya tumawa naman ang asawa nito.

I looked at Tita Veron, Masama na ang tingin nito sa akin. Marahil hindi niya nagustuhan na tinawag akong anak niya. Maging ako naman ay hindi rin nagustuhan iyon kaya kumulo agad ang dugo ko.

"She's not my mother." Sumulyap pa ako kay Tita Veron.

"Callie!" Pagalma aagad ni Daddy kaya natawa ako.

Tanginang dinner 'to.

"Not her." Pagtutukoy niya kay Tita Veron. "Camille was my friend."

Napatigil ako sa pagtayo sana nang bangitin niya ang pangalan ng Mommy ko. Binigyan ko naman agad siya ng nagtatakang tanong. "Ofcourse, She's your ex." Mrs. Agustin added.

"Wow. What a small world." I whispered. 

Napatingin naman ako kay Rhys na tila walang pakealam sa pinaguusapan namin dahil abala siya sa pagtingin sa family picture nila Daddy na nakadisplay sa Dining area. Hindi ako kasama roon dahil hindi ko naman sila pamilya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Battlefield (Sports Series #1)Where stories live. Discover now