Chapter Six

9 3 1
                                    

"Really!? Did he really said that?" Animo'y gulat na gulat na tanong sa akin ni Celestine habang nginunguya niya ang sandwich niya.

"Kung hindi siya naglalaro ng Football ay talagang iisipin ko na he wants to be a professor!" Tumatawang biro ni Amara atsaka humigop sa Tea niya.

Iyon lamang ang inorder niya dahil diet raw siya. Masyado raw silang hapit sa pagtratrain ngayon dahil magagaling raw ang mga makakalaban nila.

Nasa cafeteria na kaming tatlo. Katabi ko si Amara habang katapat ko naman si Celestine. Hindi nanaman ako nagulat nang makita close na sila dahil member daw dati ng Volleyball Varsity si Celestine nalihis lang daw ng landas kaya napapunta sa Archery.  Hindi ko nanaman tinanong pa ang dahilan dahil nararamdaman kong naiilang siya..

At nasasaktan.

"Nakakagulat nga yung action ni Rhys e." Biglang sabat ni Celestine habang natatawang nakikipagkwentuhan kay Amara. "I mean he's not that type of student na tuturuan ang isang estudyante na bumagsak sa labas ng school. Masgugustuhin niyang turuan iyon sa loob ng school especially in lunch time." Nanunuksong tumingin naman sa akin si Amara.


Napailing na lang ako. Ano kaya ang maisip na dahilan para matakasan ko siya mamaya? Magpasundo kaya ako kay Kill tapos sabihing kapatid ko siya at kailangan na naming umuwi dahil dinala sa hospital ang nakakabata naming kapatid?

Nababaliw ka na, Calli.

"Calli!" Sabay nilang sigaw sa harap ko na ikinagulat ko naman kaya napabalik ako sa wisyo ko!

"Ano ba! Wag kayong sumigaw. Nakatingin tuloy sa atin ang mga tao." Pagsuyaw ko sa dalawang maarte kong kasama.

"Kailangan ka ba nagkaroon ng pakealam sa mga nakatingin sayo?" Mataray pang pagtatanong sa akin ni Amara kaya inapakan ko naman ang paa niya. "L-Lagi nga hahaha! L-Lagi siyang may p-pake sa mga n-nakapaligid sa kanya." Nauutal na ani niya kay Celestine na tumatawa na rin.


"Tinatanong ka namin Calli kung anong oras ka tuturuan ni Rhys?" Natatawa pa ding tanong niya.

"I don't know. Wala siyang sinabi."


"Eh Why don't you ask?" Si Amara na pinupuyod ang buhok niya kasunod non ay ang pagtatangal niya ng suot niyang hoodie kaya tumambad na ang kulay asul niyang jersey.



"Paano ko itatanong? Mas okay nga na hindi niya ako maturuan e. Nakakatamad." Walang gana kong sagot. Tumawa na lang sila at tumahimik na.


"Tapos na ang break natin." Saad ni Celestine. "Thank you sa libre ha, Ang saya ng kwentuhan natin promise. " She smiled.

I nodded. "May klase pa ba tayo?"


"We're vacant, mamayang hapon pa ulit. Manood muna kaya kami ng pratice mo, Amara?" Nakangiting suggestion ni Celestine kaya agad naman kaming sumang-ayon.


Sabay sabay kaming naglakad papunta sa gym. Natanaw namin ang coach nila Amara na naroroon sa field kaya agad na kumaway sa kanya si Amara ganoon rin si Celestine parang tanga naman akong nakasunod lang sa kanila.


"Oh Amara! Sa gym ba ang punta mo?" Nakangiting tanong ng coach niya.

"Sana coach kaso bakit nandito pa kayo? Hindi ba't volleyball ang schedule natin?" She asked.

"Nako. Inuna ko muna ang football dahil ginagamit ng seniors ang gym, Ngayon ko lang naman nalaman kaya hindi ko agad nasabi sa'yo. Nagmamadali ka kasing umalis kanina sa pratice e." Tumatawa niyang sabi. "Kasama mo pala si Celestine, Kamusta ka?May balak ka na ba ulit pumasok sa team ko?" Biro pa niya.


Our Battlefield (Sports Series #1)Where stories live. Discover now