Chapter Eight

11 2 1
                                    

"What do you think? This one?" Pagtatanong sa akin ni Amara atsaka tinaas ang kanang kamay niya na may hawak na puting dress.

"Or this one? Mygosh! Ang hirap mamili pareho silang maganda." Tinaas niya naman ang isa pa niyang hawak na kulay asul.


Inis ko naman siyang tiningnan dahil sa pagiging tanga niya. Pareho lang naman kasi ng design ang mga dress na iyon, Magkaiba lang ang kulay.


Ano daw? Mahirap pumili?


Mahigit dalawang oras na kami dito sa mall malapit sa university. Bibili daw kami ng regalo para kay Celestine dahil nga Birthday niya ngayon.

Ngalay na ngalay na rin ang paa ko dahil halos libutin na namin ang buong mall.

Ganon siyang magshopping kung hindi ko lang siya kaibigan ay tatadyakan ko na talaga 'to.


"Calliwara!" Malakas na tawag niya sa akin ng hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. Tinapik ko naman agad siya dahil nagtinginan samin ang mga tao roon.

"Ano ba!"


"Alin kasi dito ih.." Nakangusong sagot niya habang tinititigan na ang dalawang dress.



"I don't know. Hindi ako nagsusuot niyan."


"Please? Pili ka na, kapag nalate tayo sa party ni Celestine lagot ka talaga sakin."


"Ako pa talaga? Ikaw 'tong napakatagal pumili." Tinarayan ko siya saka walang ganang pinagmasdan ang mga dress na hawak niya.

"The blue one." Sagot ko.

She nodded. "But i think the white dress will suits her." Ibinaba niya ang dress na kulay asul saka pinagmasdan ang kulay puting dress. "See? It suits her! Maputi pa siya. Wait me here, I'll buy this na."

Napanganga ako ng sobra habang pinagmamasdan ang kaibigan ko na naglalakad papuntang cashier.

Bakit kailangan niya pa kong tanungin kung iba rin pala ang pipiliin niya?


She's really a girl. Damn, Kawawa ang magiging boyfriend mo.



Pagkatapos namin mamili ay dumaan muna kami sa Bahay ko para magpalit ng damit. Sa harap ako dumaan dahil nasisiguro kong pinapabantayan ako ni Daddy sa mga tauhan niya rito. Sinabi ko na lamang kay Amara na sa likuran ng bahay namin ako hintayin.


I wore my turtle neck beige sweater tucked in with baggy pants na bagay na bagay sa mahaba kong binti. Tinernohan ko naman iyon ng low cut na white shoes.


Hindi na ako nagdala pa ng damit kahit doon kami tutulog dahil nagpresinta si Amara na siya na raw ang bahala sa mga susuotin ko para hindi ako mahirapan tumakas sa bahay namin.


Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko at tinanaw kung may mga body guard o katulong na naroroon sa backyard namin. Napangisi naman ako nang wala akong nakita kaya maingat kong tinawid ang sarili ko sa malaking bintana mula sa kwarto ko.


Noong bata ako ay play ground ko ang buong likuran ng bahay namin, Wala naman kaming swimming pool dahil nasa rooftop iyon. May maliit akong bahay bahayan noon rito at iba't ibang klase palaruan ngunit noong naghiwalay ang parents ko, pinatanggal iyon ni Daddy at pinaltan ng hardin ni Tita Veron dahil mahilig siya sa bulaklak.


Umiyak ako ng umiyak noon sa kwarto ko. Hindi dahil wala na akong palaruan o ano. Umiyak ako dahil mas pinili ng Ama ko ang kasiyahan ng iba kaysa sa akin.



Our Battlefield (Sports Series #1)Where stories live. Discover now