"Callie. Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Salubong sa akin ni Amara nang muli akong pumasok sa restaurant.
Hindi naman na ako nagtagal don. Pagkaalis ni Rhys ay umalis na rin ako. "Sa tabi tabi lang." Matiping kong sagot. Hinanap naman agad ng mga mata ko sina Tito na naglalakad na palapit sa amin.
"Sayang. Hindi mo naabutan sina Rhys." Nanghihinayang sa saad dito. "Well. We saw him with his family. Family dinner din siguro." She added.
Hindi ko naman na siya sinagot.
I already saw him.
I sighed. Muli kong inalala ang huling linya na sinabi niya sa akin bago siya maglakad paglayo.
May narinig kaya siya? Kalalaking tao ay chismoso. "She misses you too huh." I whispered.
"What?" Biglang sabat sa akin ni Amara kaya nginitian ko na lang siya. She took a deep breath. "I said, Sumambay ka na sa akin bukas. Training will start tommorow."
"B-Bukas agad?" Inis kong tanong.
Gusto ko tuloy magback out pero kapag naiisip ko na excused iyon sa lahat ng klase ay ganadong ganado ako.
She nodded. "Let's go. Paalam na tayo kila Mommy." Hinila naman nito ang kamay ko.
Wala sa sarili naman akong nagpahila sa kaniya. Lumapit kami kay Tita na may babaeng kausap. Sa tingin ko ay kasing edad niya lamang din ito.
"Mom. We'll get going na. Ihahatid ko pa si Callie." Amara whispered and kisses her mom cheeks.
"Una na ho kami." Paalam ko rin.
"Oh wait." Tita grabbed her daughter. Iniharap niya iyon sa babaeng kausap niya. "This my one and only daughter. Do you remember her, Eliz?" Tita laughed.
"Dalaga na ang anak mo." Umiiling pa ito. "Parang noon lamang ay nagaagawan pa sila ni Rhys ng laruan." She laughed.
Rhys?
"Yeah. Time's so fast. Ngayon ay mas malaki na sila sa atin." Tumawa rin ito. "Oh I forgot." Tumingin ito sa anak niya na hindi maintindihan ang pinaguusapan nila.
"Amara, This is Elizabeth Agustin. Rhys's Mother." Nahihiya namang ngumiti si Amara sa babaeng nanay raw ni Rhys.
I shook my head and glanced at her.
Kamukhang kamukha niya si Rhys. Kuhang kuha ni Rhys ang mga mata nito. Mukhang mayaman dahil sa kumikinang na suot nito. Hindi mo rin tatangkaing hawakan dahil sobrang arte ng dating niya.
"Don't you remember me?" She laughed. "You can call me Auntie Eliz." She handed her hand to Amara.
"U-Uhm. Yeah. Amara Eve Enriquez." Inabot naman nito ang kamay niya.
"Ofcourse iha, I know you." She smiled. Marahan naman itong tumingin sa akin. Tila naghihintay na magpakilala rin ako sa kaniya. "And who's this young lady right there?" She politely asked and scanned me.
"Oh. This is Callie Vailoces. My daughter's bestfriend." Pagpapakilala sa akin ni Tita.
Tumaas bahagya ang kilay nito. "Vailoces? Is she related to Anthony Vailoces?"
"Yes. It's his daugther." Tita smiled. Naramdaman ko naman ang pag-akbay nito sa akin.
"Pero lalaki ang anak ni Veron diba?"
YOU ARE READING
Our Battlefield (Sports Series #1)
Non-FictionWhat is more important than Football? Love was everything i thought it would be but Football was even better. I don't know what's the real meaning of love. As long as I have my ball to kick it away, I'm happy. Who I am? Rhys Vergel L. Agustin, The F...