OLIVIA
"Good morning, Ma'am Olivia," bati sa akin nila Josie and Mark pagkapasok ko ng cafe. We're not open yet. It's just 7:30 in the morning and we always open at around 8:00 am. Anyway, sila ang mga empleyado ko rito.
Ngumiti ako sa kanila."Good morning, too. Aga niyo lagi ha? That's good!" Sagot ko naman at natuwa ang dalawa.
They are both wearing the prescribed cafe uniform. It's a button-down dark gray polo shirt with the cafe logo on its upper-left side and matched with tailored black slacks. Both are also wearing a black apron and visor which have the cafe logo on each. And as a protocol, they need to wear a hairnet to keep their hair from contacting exposed food, clean and sanitized equipment, utensils and linens, or unwrapped single-service articles. Also, to keep their hands out of their hair.
Huminto ako saglit sa tabi ng counter at napansing kulang sila."Where's Helen, by the way?" I wondered.
"Tumawag po siya sa akin, Ma'am. Sabi daw po nagtext daw siya sainyo para magpaalam na hindi siya makakapasok ngayon," pagpapaliwanag naman ni Josie.
I nodded."Ganoon ba? I haven't checked my phone yet. Sige, mag-ayos na kayong dalawa at magbubukas na tayo ng cafe maya-maya." Umayos na ako nang tayo at tinignan sila. "Kung may kailangan kayo nasa office lang ako."
"Sige po, Ma'am. Tara na, Josie."" Rinig kong sagot ni Mark nang magsimula na akong maglakad papuntang office.
The moment I entered, I went straight to my table and seated on my very comfy swivel chair. I removed my white Miu Miu stilettos and changed them with my very cute fluffy slide-on slippers. I don't care if these won't match my plain yellow Dior dress as long as they are comfortable to wear, then I'm fine with it. When I'm at work, I always make sure that the ambiance of my office is relaxing, to avoid stress and that I'll enjoy staying here.
Simple lang naman ang opisina ko. Kulay beige ang pintura sa loob at tamang laki lang na office table na ipinarehas sa may kalakihan na swivel chair. Mas gusto ko kasi nakakasandal ako ng maayos sa upuan lalo na kapag medyo pagod ako. Sa bandang likod ko naman ay may maliit na bintana na may window blinds para hindi tumatagos ang sikat ng araw sa loob. Nagpakabit din ako ng split type na aircon kasi kung minsan hindi sapat ang electric fan lang kapag mainit ang panahon. May sofa sa bandang kaliwa at center table rin pagkapasok ng opisina, para kung may bisita man ay doon ko sila pauupuin. May sariling cr din dito sa loob para hindi hassle kapag tinawag ng kalikasan - alam niyo na.
Anyway, may tatlong paintings din dito sa loob na nasa bandang kaliwa ko na iniregalo pa sa'kin ni Ems sa tuwing pumupunta siya sa iba't ibang bansa para sa business trips. May tv rin dito para malibang ang mga bisita o kaya kapag gusto ko rin manood ng balita, at 'di rin mawawala ang hindi kalakihan na wooden cabinet na kahilera ng pintuan kung saan inilalagay ko ang mga importanteng papeles na konektado lahat sa cafe. Sa bandang kanan ko naman ay nakalagay ang full-length body mirror dahil ayoko na wala man lang salamin sa opisina ko. Napatingin ako sa lamesa at sa mga makukulay na sticky notes na katabi ng pen holder na may mga magagandang disenyo ng pens, katabi ito ng desktop computer ko. Napangiti na lamang ako at nangalumbaba.
I'm already 31 but I'm still into cute kinds of stuff. Kaya naman ang mga nakakakilala sa akin ay napagkakamalan pa rin akong teenager. They say I look younger than my age because of my glass skin. Also, I'm 5'5 in height with an hourglass body, light brown skin tone, and with medium-length wavy hair. Sabi din nila na maswerte raw mapapangasawa ko kasi isa akong perfect wife-to-be. Pero ang hindi nila alam, mahirap din maging maganda dahil kaya ka pa rin ipagpalit sa iba.
Kapag napag-uusapan love life ko, hindi ko maiwasan na malungkot at isipin siya. Kumusta na kaya si Peter? Umiyak din ba siya noong nag-break kami? Nalulungkot at nahihirapan din ba siya tulad ko? Nanghihinayang din ba siya sa limang taon na relasyon namin? Madami akong gustong itanong sa kanya pero mukhang hindi na ata masasagot lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
A Hard Habit To Break
RomanceOlivia is a 31-year-old businesswoman, single and still mending her broken heart after cutting the ties with her good-for-nothing ex. She was still in great turmoil when a sudden twist and turn of fate played with her heart once more when Knox, a 19...