Chapter 4

161 55 239
                                    

OLIVIA

"Ang gagwapo nila 'no, Ms. Olivia?" Josie dreamingly said to me while looking at those guys who have been the center of everybody's attention here in the café.

"Sus! Saan banda? Lamang lang yan ng isa't kalahating paligo sa'kin 'no kaya mga kutis mayaman!" Nakabusangot na sagot naman ni Mark at may ibinubulong din na di ko na narinig. Someone is jealous, eh?

Tumingin naman si Josie kay Mark at tinaasan siya ng kilay."Saan banda? Sa lahat. At wala ka sa kalingkingan nila Mark kahit oras-oras ka pa maligo. Saka bakit ka ba sumisingit ha? Ikaw ba kausap ko? Mukha ka talagang singit," pagtataray niya at inirapan pa si Mark habang inilalagay sa tray ang mga orders ng ibang customers para ihatid sa kani-kanilang table.

"Bakit ba ang sungit mo? Inaano ba kita? Kapag ako yumaman at naging kasing gwapo nila. Who you ka sa'kin," balik na sagot naman ni Mark at halata ang pagkairita sa boses niya. Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanila at nakikinig lang sa kung anong sasabihin sa isa't isa.

Umingos naman si Josie."Kahit yumaman ka pa at magparetoke para gumwapo lang, hindi kita magugustuhan over my dead gorgeous, beautiful and sexy body." Sabay alis niya at halata rin sa kanyang mukha ang pagkainis kay Mark. Nakakatawa talaga mag-away 'tong dalawa.

Nagulat naman si Mark at nanlaki ang mga mata."Aba't! Sinong may sabing kailangan kong magparetoke para lang gumwapo?" He hissed. "Dati na akong gwapo hindi mo lang napapansin," pagpapatuloy niya pa at ibinulong ang huling mga salita na kanyang ikinalumbay. Josie didn't hear them, but I did.

Sa totoo naman talaga ay gwapo si Mark. Matangkad ito at may kaputian, hindi lang gaanong maporma pero kapag naayusan naman ay tiyak akong artistahin ang kalalabasan nito. Second year college lang ang natapos niya pero hindi 'yon naging hadlang para hindi siya magsumikap para sa pamilya niya. Alam kong kapag silang dalawa ni Josie ang nagkatuluyan ay tiyak akong bagay na bagay sila.

Dahil maganda naman si Josie. Hindi gaano katangkaran pero baby face ang mukha. Balingkinitan din ang katawan at porselana ang kutis kahit laking hirap. Tulad ni Mark ay second year college lang ang inabot niya. Kailangan kasi niyang tumigil sa pag-aaral para tulungan ang nanay niya sa pagpapaaral ng iba pa niyang mga kapatid.

Bahagya akong napangiti sa aking iniisip at lumingon sa kinaroroonan ni Mark. "Kung hindi ko lang kayo empleyado iisipin kong mag-jowa kayo. Ang cute niyo lang mag-away," biro ko. Tuminigin naman sa'kin si Mark.

"Malabo atang mangyari 'yon, Ma'am," bulong niya. "Tignan mo naman kung gaano kabwisit sa'kin si Josie kapag kinokontra ko siya sa mga nagiging crush niya."

I sighed. "There's only one way to find out, Mark. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan mo 'di ba?" Words of encouragement na sagot ko sa kanya at biglang tumingin sa'kin.

"Talaga po?" Ngiti niya. He's looking in Josie's direction, whose busy serving the customers at thi moment. "Sige po, susundin ko po payo niyo. Susubukan ko tuloy po."

"Maraming salamat po, Ms. Olivia. Dahil sa sinabi niyo mas nabuhayan po ako ng loob." He thankfully said to me, and his smile never faltered. Glad he's willing to take the risk. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. At biglang napaisip... Kailan pa ko naging love guru at matchmaker ng dalawang 'to?

My reverie has taken me aback when Mark spoke. "Order for table number 15. Ready to serve." He pressed the call bell to call Josie's attention. Nakita kong busy pa rin si Josie at 'di ata narinig ang call bell.

"Ako na, Mark. Wala pa namang customers," pag-aalok ko at umalis na sa counter. Habang naglalakad ako napansin ko kung saang direksyon ako papunta ngayon. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, table pala ito nila Mr. Friendly slash playboy. They were all busy with their world, then spun their heads in my direction when they saw me standing at their table. Except for one. He was busy listening to music with his air pods on and looking outside the glass wall.

A Hard Habit To BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon