OLIVIA
"Lance?"
"Yes, it's me," he cheerfully answered, and I could even imagine him smiling. "I just want to invite you to have breakfast with me, if that's okay with you?" Pagpapatuloy niya.
Napukaw ang tingin ko ng lalaking nasa harapan ko pa rin ngayon. He's just standing and shifting his weight from one foot to the other, as if telling me he's already bored.
"Okay lang. Pero maliligo muna ko. Kakagising ko lang kasi," sagot ko naman.
Narinig ko ang mahinang kaluskos sa kabilang linya at mukhang tunog iyon ng silya. "That's fine," he calmly said. "My butler will wait and accompany you going here." Tumingin naman ako bigla sa sinasabi niyang butler at tinaasan lang ako nito ng kilay. Suplado!
"Ah, sige. Mag-aayos na ko," paalam ko sa kanya.
"Okay. See you," he answered, ending the call. Pagkatapos nang pag-uusap namin ay ibinigay ko na sa butler ni Lance ang cellphone. Kaagad niya itong kinuha at ipinasok sa kanyang bulsa.
Tinignan ko siya nang nakataas ang kilay. "I'll just take a bath. You can wait for me in the lobby." Umingos ito at hindi sumagot. Tumalikod siya pagkatapos at sabay alis. Aba't!
Matapos ang tatlumpong minuto ay lumubas na rin ako ng villa at dumiretso sa lobby. Nakita kong abala sa cellphone niya ang butler ni Lance at naka-cross legs pa ito habang nakaupo sa isa sa mga couch. Lumapit ako at napatingin siya sa direksyon ko.
Huminto ako sa harapan niya at blanko ang tingin. "Let's go," I said flatly. Agad naman siyang tumayo at nagpatiunang naglakad palabas ng lobby.
Mabibilis ang kanyang mga hakbang habang lakad-takbo naman ang ginagawa ko. Hindi ba marunong makiramdam ang lalaking 'to?
"Wait nga lang," hingal na sabi ko. Pero ang loko hindi ako narinig at tuloy pa rin sa paglalakad. "Sandali nga lang sabi eh!" I said out loud. Huminto naman siya at tumingin sa kanyang likod kung nasaan ako.
"Uso maghintay. Try mo," I said, full of sarcasm, and went beside him.
He looked at me and smirked."Kailangan na ho kasi natin magmadali. Kanina pa kasi kayo hinihintay ni Sir," sabi niya at nagpatuloy muli sa paglalakad. "Ang bagal-bagal kasi," bulong niya.
"Hoy, narinig ko 'yon!" Wala akong nagawa kung hindi ang sabayan siya. Inisip ko na lang na morning exercise ang ginagawa ko. Bagama't nahihirapan man akong habulin ang bawat hakbang niya ay ininda ko na lamang ito lalo pa't bumabaon ang mga paa ko sa tuwing ihahakbang ko ang mga ito sa buhangin. Ang haggard-o Versoza ko na mga ateng! Peste kasing butler 'to.
Napansin ko na malayo-layo na rin ang nilakad namin. Gusto ko sanang tanungin 'tong butler ni Lance kung saan talaga ang villa niya pero pinili ko na lang na manahimik dahil wala naman akong mapapala sa isang 'to at baka mas lalo pa kong bwisetin. Teka lang, parang pamilyar sa 'kin ang daan na 'to ha?
Unti-unti ay nagiging malinaw na sa 'kin kung saan kami papunta. Ilang hakbang pa ay nasa tapat na kami ng isang two-storey villa na siya ring nakita ko kahapon. Kung sa labas pa lang ay nakakabighani na, mas higit pa iyon kapag nakapasok ka na sa loob. Napakaganda ng pagkakagawa ng desinyo nito at hindi mo aakalain na nasa isang villa ka lang.
Maganda ang kombinasyon ng mga pintura nito sa dingding na animo'y nasa loob ka ng isang mansyon at ang nakatira ay isang maharlikang pamilya. Napakapresko sa mata ng mga kulay, bagay na bagay sa isang paraisong lugar tulad nito.
Habang naglalakad ay 'di rin matigil ang aking mga mata sa paghanga sa mga bagay-bagay na nakikita ko. Sa bandang kanan ko ay may malaking sala na triple ang laki sa sala na merun ako sa villa. At ang couch mukhang mamahalin sa kintab at linis nito. Merun ding malaking tv na nakadikit sa dingding at madaming CDs at DVDs sa baba nito. May napansin din akong mga mamahalin at malalaking vases na nakapaibabaw sa isang mahabang side table na mukhang galing pa ata sa ibang bansa na mas lalong nakapadagdag sa ganda ng villa. Sana all may ganitong villa!
BINABASA MO ANG
A Hard Habit To Break
RomanceOlivia is a 31-year-old businesswoman, single and still mending her broken heart after cutting the ties with her good-for-nothing ex. She was still in great turmoil when a sudden twist and turn of fate played with her heart once more when Knox, a 19...