Chapter 11

132 44 205
                                    

OLIVIA

I woke up before the sun has risen. I seated for a moment, bent my knees, and encircled my arms around them. I turned my head to the man whose sleeping sound beside me. His body is facing my direction. I rested my head over my knees and stared at him. I bitterly smiled upon remembering what we did last night. For the very last time, I surrendered myself again to him.

Kapag nalaman ito ni Emma ay panigurado akong sesermunan na naman niya ako dahil naging tanga akong muli sa kahuli-hulihang pagkakataon. I am really so much in love with him. Na kahit ilang beses niya akong saktan ay kaya ko pa rin siyang patawarin. Tanga na kung tanga. Gusto ko lang naman lumigaya sa piling ng taong mahal ko, pero napakalupit ng tadhana at mukhang ayaw niya sa aking ibigay iyon.

Siguro panahon na rin para sarili ko naman ang mahalin ko. Masakit man tanggapin at isipin na hindi na kami pwedeng magsama pa. Kailangan kong gawin kung ano ang nararapat. Kumislot bigla ang mga mata niya at ang akala ko ay magigising na siya. Bahagya siyang gumalaw at paulit-ulit na ibinubulong ang pangalan ko. Gusto ko sanang hawiin ang ilang hibla ng buhok na nasa kanyang noo pero binawi ko rin kaagad nang makita ko ang singsing sa kamay ko.

Walang mangyayari kung patuloy akong magiging ganito sa kanya. I decided to stand up and leave his place while he's still asleep. Bago ako umalis sa kwarto niya inalis ko ang singsing sa kamay ko at iniwan ito sa ibabaw ng bedside table. This has to end now...for good.

Inilinga ko saglit ang aking mga mata sa kwarto niya. Tulad pa rin ito ng dati, wala halos ipinagbago. King-size bed na pwedeng magkasya ang limang tao at may dalawang bedside tables. Kulay gray ang pintura ng kwarto at may ilang picture frames na nakadikit sa dingding. Mga litrato ito na siya mismo ang kumuha at nag-ayos. Isa kasi sa mga hobbies ni Peter ang photography pero hindi niya 'yon masyadong binigyan ng oras dahil na rin sa trabaho niya sa kompanya.

Minimalist kung maituturing ko si Peter sa mga gamit niya, tipikal na ugali ng mga lalaki. Katulad ng kwarto ko ay mayroon rin closet sa kwarto niya at may sariling banyo. Ipinagkaiba nga lang ng sa'kin ay mas doble ang laki ng kwarto niya at lahat ng parte na mayroon ito. Wala siyang balcony pero maganda ang desinyo ng kanyang sliding windows na ipinasadya niya pa noon sa arkitekto na gumawa nito at sa enhinyero na namahala sa pagpapagawa ng bahay niya.

Napabaling bigla ang tingin ko kay Peter nang makita ko siyang gumalaw ulit. Ayokong maabutan pa niya ko rito kaya't dali-dali akong naglakad palabas ng kwarto at dumiretso sa sala para pulitin ang mga damit ko at doon na rin nagbihis. Napadako ang tingin ko sa mga bulaklak na nasa counter top. I'm contemplating what to do with them.

I walked outside from his doorsteps, closed the gate, and ready to leave when I saw the last man I never expected to see. Nakita ko siyang lumabas sa gate na katapat lang ng bahay ni Peter. Blangko ang kanyang mukha at nakatingin sa'kin ng matiim, habang ako naman ay gulat na makita siya. Out of all people, bakit siya pa ang unang taong makikita ko?

He is wearing a blue sweatshirt, black tattered pants, and white chucks. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang suot niyang black beanie na bumagay lalo sa suot niya. Naglakad siya palapit sa kotse niya na sigurado akong isa sa mga bagong labas ngayon na model ng Rolls-Royce.

I decided to just ignore him and walked away. I could feel that he was still staring at me, but I didn't bother. Habang naglalakad ako sa tabi ng daan, pakiramdam ko ay nakasunod ang sasakyan niya sa akin. He was driving his car slowly and I knew he was doing it on purpose. Napahinto ako bigla nang nasa tabi ko na ito.

"Hop in," he offered, and opened the passenger door for me. Pero hindi siya nag-abalang tumingin sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya. "Thanks, but no thanks. I can manage," I said and declined his offer, then started walking again.

A Hard Habit To BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon