OLIVIA
May humahangos na lalake na pumasok sa café at hinatak ang kamay ni Kristine. Matangkad ito ng ilang pulgada sa kanya at nakauniporme rin na katulad kanila Lance. Medyo pawisan ang kanyang noo dahil na rin siguro sa pagtakbo niya papunta rito. Kung titignan ng mabuti ay may pagkakahawig ang kanilang mukha na parang magkambal. O talaga sigurong magkambal sila?
Bago sila umalis ay humingi muna ng tawad ang lalake sa'kin saka marahas na hinatak ulit si Kristine paalis ng café. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sagutan naming dalawa. Ngayon ko napagtanto na kailangan ko talaga ng bakasyon. True to your words, Ems, I will really thank you for this vacay.
Iniikot ko ang aking mga mata sa cafe at hindi ko alam sa sobrang tensyon ng sagutan namin ni Kristine ay nakahakot kami ng atensyon mula sa mga tao na nandirito. Hindi ko alam kung may kumuha ba ng video namin habang nagsasagutan. Puros karamihan pa man din mga estudyante ang narito.
Wala na kong magagawa kung 'di tanggapin na lang ang nangyari at habaan pa ng sobra ang pasensya ko sa susunod, kung meron pang katulad ni Kristine ang pupunta rito sa cafe. Pero bago pa man 'yon mangyari ay lalagyan ko na ng warning sign sa pinto na bawal ang mga may attitude problem dito. If they aren't aware of their attitude and innate character, I'm willing to pay for a psychologist just so they are aware of their mental and emotional behaviors. Dahil sa totoo lang napakahirap makisalamuha sa mga taong mahirap pakibagayan. No one was born to please anyone. Moreover, a person's attitude depends on how he or she is treated. That even if it takes him or her to stoop down low just to claim his or her right, he or she will never have a second thought about it. Napabuntong-hininga na lamang ako sa layo ng iniisip ko.
"Shit! That was closed." Napatingin ako kay Justin nang bigla siyang magsalita. Para bang nabunutan ng tinik sa nangyari. Nakita kong napahilamos naman ng mukha si Cloud at napahimas ng kanyang batok si Lance. Si Knox naman ay nakatingin ulit sa labas.
I turn my body to them and don't know if they are still aware of my presence. "Gentlemen," tawag-pansin ko sa kanila. Hindi naman ako nabigo at tumingin silang apat sa'kin. "Could you please go to my office?" I asked smilingly to them. "NOW." I emphasized the last word as hard as I could and this time, I'm no longer smiling at them. Nakita ko ang paglunok nila Cloud, Justin and Lance nang makita nila kung gaano ako kaseryoso. That's right, gentlemen. You should learn your lesson this time.
"Follow me." Tumalikod na ako at tahimik na naglakad papuntang office. I even saw Mark and Josie na tumingin sa direksyon ko at nagulat nang makitang nakasunod ang apat na lalake sa akin.
Nang buksan ko ang pinto, inalis ko kaagad ang apron na suot ko at inilagay sa sabitan na nasa kanan ko. Dumiretso ako sa aking table at sa paglingon ko nakita kong nakatayo lang sila sa harap ng pintuan at naghihintay na papasukin ko.
"Please come in and have your seats," pag-aalok ko naman nang makaupo ako sa swivel chair. Magkakatabi na nakaupo sa isang sofa sina Lance, Cloud at Justin habang si Knox naman ay nakaupo sa isang one-seater na nakaharap sa pwesto ko. His eyes are roaming around the office.
"I know you know the reason I asked you to come over," I uttered. Tumango naman ang tatlo bilang sagot habang mataman na nakatingin lang si Knox sa'kin. He's sitting comfortably with his legs crossed and silently tapping his right fingers on the armrest of the sofa. Nakakailang tumitig ang isang 'to.
Seryoso ko silang tinignan isa-isa, except for one. "Dahil sa sunod-sunod na pangyayari kanina, napagpasyahan ko na magkaroon ng ban para sa inyong apat." Matapos kong sabihin 'yon ay sabay-sabay na umangat ang ulo ng tatlo at gulat na tumingin sa akin. Except for Knox, who has no reaction at all and just wearing his usual blank face.
BINABASA MO ANG
A Hard Habit To Break
RomanceOlivia is a 31-year-old businesswoman, single and still mending her broken heart after cutting the ties with her good-for-nothing ex. She was still in great turmoil when a sudden twist and turn of fate played with her heart once more when Knox, a 19...