Chapter 12

104 34 132
                                    

OLIVIA


It's past 2:00 in the afternoon when the private jet arrived here in Amanpulo. Huminto ako saglit pakababa ko at pinagmasdan ang paligid. This place is so serene, almost a paradise. Napakasariwa ng hangin at maririnig din ang malamyos na tinig at hampas ng alon sa dalampasigan na napapalibutan ng malalaking bato. Sumasabay din ang pagaspas ng mga dahon mula sa puno ng niyog sa tuwing ang mga ito'y hinahangin. Makikita rin sa di kalayuan, sa bandang kanan ng aking kinatatayuan, ang napakapinong puting buhangin na mas nakadagdag sa malaparaiso nitong kagandahan.

Matapos kong busugin ang aking mga mata sa napakagandang paraisong ito ay nagsimula na akong maglakad papunta sa shuttle bus na naghihintay sa amin para ihatid kami sa kani-kanilang villas. Matapos ang ilang minuto na biyahe ay huminto na rin ito, dumungaw ako sa bintana at nakita ang mga ilang villas sa isla. Hinitay ko muna na makababa ang ibang turista bago ako sumunod na bumaba.

Habang naglalakad ako papuntang front desk ay namangha rin ako sa angking disenyo nito. Gawa ito sa malalaking kawayan ngunit hindi ito sadyang ordinaryo lamang. Pininturahan rin ang mga ito ng kulay brown pero bukod pa roon ay mga malalaking nakaguhit din na parang bang maihahalintulad sa isang mural painting. May mga magagandang halaman at bulaklak din sa tabi ng mga ito na para bang binabati ako sa aking pagdating sa isla.

"Good afternoon, Ma'am. Welcome to Amanpulo," nakangiting bati sa 'kin ng babaeng receptionist pagkapasok ko ng villa kung saan ang front desk. Hindi siya katangkaran ngunit balingkinitan ang katawan at mestiza. Maganda rin ito at malinis ang pagkakapusod ng kanyang buhok na tila ba isang oras niya itong inayos. She's also wearing a gray blazer and a skirt above the knee that both match with tiny white stripes design. There's a red scarf around her neck that settles below the collar of her white blouse.

Napatingin ako bigla sa suot ko ngayon. I'm just wearing a v-neck white tee, skinny blue jeans, and yellow doll shoes. Napakaordinaryo lang ng aking damit para sa isang turista pero dito ako komportable kaya ito ang pinili kong suotin.

Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti pabalik. "Good afternoon, too. May I know where my reservation is?"

"Name po, Ma'am?" Tanong niya sa 'kin at yumuko ng kaunti para tignan ang computer sa harapan niya.

"Olivia Isabelle Monte."

"Wait lang po, Ma'am," she said, glancing at me. "Hanapin ko lang name mo sa system." I just nodded as an answer and she continued looking for my name.

Inilibot ko naman ang aking mga mata sa pagtingin-tingin sa lugar habang hindi maiwasan na mamangha ulit dito. Simple ngunit maganda ang interior design nito. May couch din kung saan pwede tumambay ang mga bisita at makinig sa mga magagandang tugtugin ng 90s. Paano ko alam? Kanta kasi ng Eraserheads ang mga pinapatugtog. And, at this moment I could hear their song, Alapaap playing in the background.

This place is really a perfect choice if you want to unwind and escape the busy city life. Kahit ilang araw ka lang mag-stay dito parang hindi muna gugustuhin pang umalis.

Bahagyang dumukwang ang receptionist sa direksyon ko at tinignan ako saglit. "Ahm, Ma'am, sa Amore de ti po ang reserved villa niyo. It's a one-bedroom villa with one swimming pool, and you also have a butler who'll assist you with your needs," sabi niya nang mahanap ang pangalan ko. Ano daw name ng villa ko? Amore titi?

"O-okay," I timidly smiled. "Thank you."

"Ibibigay ko na lang po ang room key sa assigned butler niyo po. Siya na rin ang maghahatid sa inyo papuntang villa niyo," paliwanag niya. Pagkatapos ay nag-dial siya sa telepono at may tinawagan.

A Hard Habit To BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon