OLIVIA
It awakened me when someone announced the flight going to Amanpulo and its private jet going there are ready for on board. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Huminto ako saglit at tinignan muli kung saan nakatayo 'yong lalaki kanina pero wala na pala ito. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy muli ang paglalakad.
Pagkapanhik ko sa eroplano ay umupo kaagad ako at tumingin sa labas ng bintana habang hinihintay ang ibang pasahero na makasakay sa loob. Nakaupo ako sa second row, malapit sa exit door. Ayoko kasi sa dulo dahil mahihiluhin ako sa byahe.
Habang nakatingin pa rin ako sa labas ay may napansin akong isa pang private jet sa di kalayuan. Medyo may kalakihan ito at halatang eksklusibo lang para sa mga mayayaman. At napansin ko rin ang isang lalaki na naglalakad palapit dito. Sinalubong siya ng lalaki na nakaitim at yumuko bilang respeto. Tinitigan ko siya ng mabuti at hindi nga ako nagkamali, siya rin yung lalaki kanina sa loob ng airport na pamilyar sa 'kin. Simple lang ang suot niyang damit. Nakafaded jeans and white tee with a black coat. May suot din siyang sombrero na may initial na A at naka-aviator shades. Pakiramdam ko ay kilala ko talaga siya.
Napabalik ako sa reyalidad nang biglang humampas ng malakas ang alon sa aking paa at nabasa ng kaunti ang laylayan ng bestida ko. Napansin kong malayo na rin pala nalakad ko dahil sa pagbabalik-tanaw ko kanina. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking villa nang biglang mapukaw ng aking tingin ang isang two-storey na villa na di kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Sigurado akong hindi ito katulad ng mga villas na pinaparentahan dito sa isla dahil sa itsura pa lang nito ay mamahalin na at sigurado akong mayayaman lang ang pwedeng tumira.
Napansin kong may tao sa second floor. Nakabukas kasi ang sliding door at nakatayo roon ang isang lalaki na hindi kalayuan mula sa balkonahe. Sa palagay ko ay isa ito sa mga kwarto sa villa. Naka-side view ang lalaki kaya't hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha. Maya-maya pa ay hinubad nito ang suot niyang damit pang-itaas at hindi ko mapigilang mapasinghap at hangaan ito. Holy Moly! Ganda ng katawan mga besh!
Mukha atang naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya't humarap ito bigla at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko masyadong makita mukha niya dahil na rin sa nasisinagan ito ng araw at idagdag pa na near sighted ako. Bigla akong tinubuan ng hiya dahil sa nangyari.
Hindi ata tama na magtagal pa ako rito kaya't napagpasyahan kong tuluyan nang umalis at naglakad na pabalik ng villa. Malapit na rin maggabi at baka mapano pa ako sa daan. Alam ko naman na safe dito sa isla pero mabuti na rin ang nag-iingat. Ayoko naman na mag-alala si Emma kapag nagkataon. OA pa man din 'yon!
Pagkarating ko sa villa ay pumasok ako kaagad at dumiretso sa sala para umupo. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaki kanina at ang hubog ng kanyang katawan! Shet lang. Biglang namula pisngi ko. Ano ba, Olivia! Get a grip on yourself.
Binuksan ko na lamang ang tv para malibang at para na rin iwaglit sa isipan ko ang nakita kanina dahil hindi tama na pinapantasyahan ko ang isang tulad niya. I think he's younger than me and I am old enough for that. Nagmumukha tuloy akong tigang kahit nadiligan naman.
Palipat-lipat ako ng channel dahil wala akong makita na magandang palabas. May mga DVDs sila rito pero wala ako sa mood na tignan kung anong mga movies merun sila. Naalala kong tawagan si Emma para ipaalam na nakarating ako ng maayos dito sa isla. Nag-dial ako ng numero niya at isang ring pa lang, sinagot niya ito kaagad.
"Buti naman at naalala mong tumawag," sagot ni Emma sa 'kin na halata ang inis sa kanyang boses.
Napailing na lang ako. "Sorry naman, bes," I chuckled. "Nakatulog kasi ko kanina pagkarating ko dito sa villa."

BINABASA MO ANG
A Hard Habit To Break
Roman d'amourOlivia is a 31-year-old businesswoman, single and still mending her broken heart after cutting the ties with her good-for-nothing ex. She was still in great turmoil when a sudden twist and turn of fate played with her heart once more when Knox, a 19...