--
Nandito ako ngayon sa tambayan ko dito sa Campus, dito sa lugar kung nasan ako ngayon, tahimik, mahangin dahil sa mga puno. nakaka gaan at nakaka relax ng pakiramdam. dito ako pumupunta pag stressed ako, depressed. malungkot, yung mga ganon? haha."Sharmaine!" may tumawag sakin. nilingon ko.
"Oh Julia? ano ginagawa mo dito?"
"Oh masama ba? masama bang puntahan ko ung bestfriend ko na alam kong may problema nanaman? aber ano nanaman ba yon? eto pag may problema sabihin mo kasi sakin! edi kaya magpasama ka naman sakin dito! para naman hindi moko bestfriend nyan! lagi mong inaangkin yang problema mo, mamaya sumabog ka nyan!"
Bigla nalang ako napaluha..
Wala na ko masabi..
Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.."Oh tapos iiyak ka nalang, ilabas mo sige, sabihin mo naman sakin problema mo Sharmaine."
"Si Jacob"
"Si Jacob nanaman? halos mag iisang buwan ka nang ganyan dahil sakanya! wala hiya yang lalaki na yan! hindi parin ba nagbabago?"
"Pumunta ako sa park kahapon para ibili ng Ice cream yung kapatid ko, pero may nakita ako"
"Ano? ano nakita mo? pabitin ka naman e"
"Eh kasi naman nagkkwento ako wag ka muna sumingit!" kahit kelan talaga tong bestfriend ko e noh?
"Ay okay sige, tuloy" excited akong marinig kwento nya, nanggigil na kasi ako kay jacob e..
"Nakita ko sya kasama si Rochelle, yung famous sa kabilang Department dahil maganda, matalino, at volleyball player. hindi ko matanggap feeling ko matagal na nya kong niloloko kaya sya nagiging Cold sakin"
"Grabe naman Sharmaine? ipapalit niya ung 3 years nyo, dahil lang don? my gahd, i can't believe this"
"Bakit ba ganito? wala naman akong ginawang ikakagalit nya, hindi naman ako nanlalalaki ah? bakit nya to ginagawa. nasaan na yung promise nya? nung 4th year high school palang kami diba nag promise sya sakin nung anniversary namin na ako na yung gusto nyang makasama habang buhay"
"Teka Sharmaine, ano ba nakita mo? baka mamaya O.A. ka nanaman mag react e?"
"Nakita ko? kiniss lang naman sya ng babae sa cheeks"
"Omg!" O_O "ah..anong plano mo? anong gagawin naten?"
"Hindi ko alam." T_T
"Hindi pwede to Sharmaine. kakausapin ko sya."
"Wag na hayaan nalang naten"
"Gaga! ang tanga mo naman martir pa!"
"Grabe ka naman Julia"
"Eh kasi naman! wala ka na sarili!"
Hindi namin namalayan na uwian na grabe ganun pala kahaba ung kwentuhan namin. hmm nung pumunta kasi ako dito lunch kaya inabot na kami ng uwian. haist?
--