The End is just a Beginning
-----"Julia, bukas na yung flight naten"
"Oo nga e, kamusta na kaya sila Jacob at Francis?"
"Hmm. Ayoko to ipa alam kay Jacob"
"Ah. oo nasabi ko na din kila Mitch at Shena na wag sabihin e"
"Hm. oo nga, tara mall tayo? bili tayo mga damit na pang malamig"
Habang nasa Mall kami.
"Julia, sa totoo lang lagi ko paring naiisip si Jacob"
"Aba oo naman noh? ilang taon kayo e, yung akala nyong walang katapusan e nagwakas din"
"Haha, hay nako. Pero namimiss ko sya"
"Hmm? sa bagay.."
"Tawagan naten sila Mitch ang tagal e"
"Padating na yun, alam nilang aalis na tayo bukas e"
"Sharmaine! Julia!" -Shena
Oh ayan na pala e, speaking. Hehe :)
"Mga Bebe! mamimiss namin kayo, huhu" -Julia
"Kami din e, nakakainis naman kayo! matapos ang lahat lahat iiwan nyo din kami ni Shena" -Mitch
"Eh. Ganyan talaga. Wala nakong family dito e, sana maintindihan nyo"
"Ay oo naman! binibiro lang namin kayo. Ang hirap lang kase. Mamimiss namin yung mga bagay na lagi nating ginagawa pag magkakasama tayo"
Nagsimula nang umiyak si mitch
"Kahit kelan talaga si Mitch ang drama"
"Eh ikaw kaya! hindi mo ba sila mamimiss Shena?"
"Mamimiss syempre!"
Nagsimula na din maluha si Shena
"Kayo talaga oh, naluluha na tuloy ako. Edi gawin na naten lahat ngayon!"
"Sige! Ano?" -Mitch
"Let's party!"
"Omg. Game! San ba?" -Julia
"Teka Julia anong oras flight naten bukas?"
"Gabi pa" -Julia
"Edi dun tayo! Sa Club nila Shena"
"Eto naman si Shena! di nagyayaya dun!" -Mitch
"Hahaha! sorry na!"
Sa bar
Sharmaine's POV
"Julia T-ice lang ako ah? Lam mo naman"
"Ah oo Sharmaine, ako din! baka di pa tayo makaalis bukas e" -Julia
"Teka? nasan na sila Mitch at Shena?"
Hinanap namin sa paligid..
"Ayun Sharmaine! Hindi pa lasing nakikipag showdown na ang mga bruha!" -Julia
"Ha? nasan?"
"Ayun ohh!" -Julia
"Hala. Haha! party pala ang gusto ah?"
Hinila ko si Julia dun sa mga nagsasayaw.. Nakipag showdown din kami..
Hanggang sa kaming Apat na yung nag shoshowdown.
"Haha! Sharmaine first time naten to ah??" -Shena
"Haha! Oo nga e. Ang saya diba??"
"Cr lang ako!"
Sabi ni Mitch na nasusuka na..
After namin mag party.. nakita namin si Mitch may kahalikan ng iba sa Cr. Bwiset tong babaeng to!
Hinila namin sya palabas. Paglabas namin ng Bar pumara na kami ng Taxi..
Pagdating namin sa bahay nila Shena.. medyo matino na si Mitch kasi nakatulog na..
"Ano nangyare?? tapos na Party???!!" -Mitch
"Mitch patay ka kay AJ" -Julia
"Ha?? bakit??" -Mitch
"Nakita ka namin sa Cr kanina!! may kahalikang iba!" -Shena
"Easy lang Shena" -Julia
"Guys wag nyo na sabihin please! wala akong alam sa nangyare di ko sinasadya" -Mitch
"Sa isang kondisyon, wag kana mag babar pag di mo kasama si AJ" -Shena
"Oo sige, kahit di na ko mag bar. Promise hindi ko alam ang nangyare" -Mitch
"Osige. Magpahinga na tayo, uwi na kami, Shena. Dito muna si Mitch"
"Ah Sige Sharmaine, walang problema" :) -Shena
"Sige, kita kits sa Airport tomorrow night!"
"Bye guys! Oy Mitch umayos ka." -Julia
"Oo pasensya na" -Mitch
Hinatid kami ni Shena hanggang sa labas ng bahay nila.
Pumara kami ng taxi, at umuwi na.
"Sharmaine, tindi ni Mitch e noh?"
"Ikaw naman parang di mo kilala yun pag nalalasing, lasing kung lasing e"
"Nag aalala ako sakanila ni AJ"
"Wag nalang sana malaman ni AJ"
"Hmm. Oo nga, di naman nya sinadsadya e"
Pagkalipas ng ilang minuto nakatulog si Julia sa balikat ko, partida tuloy laway ha??
Ginising ko na sya nung malapit na kami..
"Julia, malapit ka na bumaba"
"Ay? nasan ako?"
"Ay ano? lasing din?"
"Hahaha. Just kidding"
"Oh pano una nako."
"Sige bye! see you tom"
Pagtingin ko sa oras 1:00am na, hala.
"Manong sa kabilang street po ako"
"Yes Ma'am" :)
Pagdating ko sa bahay. Plakda ako, pagtingin ko sa phone ko 97missed calls? sino kaya to?
Maya maya tumatawag ulit ung number, sino kaya to?
"Hello? Who's this?"
"Ahm, Hi... Sharmaine"
Familiar yung boses nya ahh?
"Hmm?? Hello?? sino to?"
"Ako to, si Francis?"
"Hah? bakit ka napatawag?"
"Paalis ka na pala bukas?"
"Ah oo, at ayoko sana malaman ni Jacob. Baka pati sayo magtanong e"
"Ah hindi ko sasabihin kung sakali"
"Sige salamat. Kamusta kana? kamusta kayo?"
"Natututunan ko na syang mahalin ulit Sharmaine, salamat sayo ha.. Simula nung nakita ko na yung Baby namin. Naging okay na ang lahat"
"Ah sige Francis.. Dapat lang yang ginawa mo, mahalin mo sila.. Wag mo papabayaan Pamilya mo."
"Oo Sharmaine, salamat"
"Oh pano, sige.. Bye"
"Bye"
Call ended
Masaya ako dahil okay na ang lahat ngayon. Masaya na kami, pero di parin maalis ang lungkot ko sa pagka miss kila Mama..
Mama, sana di kayo nawala agad. Ayan tuloy babalik ako sa Amerika.. pero kasama naman si Julia, kaya di ako malulungkot dun. Kasama ko din si Angelo kaya sana hindi na talaga ako malungkot.
Pagpikit ko, nakatulog na din ako..
-end of this chapter