You can't fly with a broken wing; you can't love with a broken heart.
-----
Matutulog na sana ako, nang biglang may tumatawag sakin."Sharmaine?"
Sinilip ko sya mula sa terrace, si Francis. Pagbaba ko pinuntahan ko sya labas.
"Oh Francis, bakit?"
"Ah eto oh, cake. Mommy ko nag baked nyan" :)
"Ay. Thankyou! alam mo bang favorite ko ang chocolate cake. Thanks talaga"
"Welcome! Sinamahan mo kasi ako kanina sa paglilibot dito e"
"Ay wala yun! sige thanks ulit ah"
"Ah Sharmaine, pwede mahingi phone number mo?"
"Ahh, sige akin na type ko nalang"
Inabot nya sakin yung phone nya, tinype ko yung number ko
"Thanks Sharmaine"
"Welcome! Goodnight"
"Goodnight!"
Okay! bago ako matulog kakainin ko muna tong cake, hihi Chocolate cake. ^_^
"Ate! sino yung kausap mo?"
"Ah yung bago nating kapit bahay, friend ko, si Francis. Bakit?"
"Ahh wala lang Ate bagay kayo, Chinita ka Chinito sya. Yieee!"
"Ay nako, halika nga dito kain nalang tayo"
"Sakanya ba galing yan? Ate"
"Oo kakabigay nya lang, Mommy nya nag baked nito"
"Masarap Ate ah"
"Oo nga e, ang sarap"
Pagkaubos ng cake pinabalik ko na sya sa room nya
"Oh matulog kana ha"
"Opo Ate"
"Sige na, Goodnight!"
"Goodnight Ate!"
Francis' POV
"Ang ganda ni Sharmaine Mommy, kakaiba yung ngiti nya ang sarap titigan"
"Talaga? may kaibigan kana agad ha? mukhang gusto mo sya"
"Oo nga Mommy e, close na agad kami. Di naman sya mahirap maging kaibigan, magaan sya sa loob."
"Mabuti naman kung ganon Anak"
"Mommy nagustuhan nya ung Cake, favorite daw nya yun, Chocolate cake"
"Oh, hayaan mo pag nag bake ulit ako dalhan mo sya"
"Okay Mom. Thanks!"
"Sige Goodnight Anak"
"Sige po Ma"
Halatang malungkot parin si Mommy, haist! isang taon palang ang nakakalipas nang maghiwalay sila ni Daddy. Kay Mommy ako sumama, Mommas boy ako e. Hindi na kami kagaya ng dati na super duper close talaga. Nag iisang anak lang nila ako. Pero di ko pa talaga alam ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila e. Dapat ko na sigurong malaman yun diba? nasa tamang edad na naman ako e.
Yung buhay kaya ni Sharmaine?
San kaya pumapasok si Sharmaine? May boyfriend kaya sya? Pareho kaya kami ng year? Hmm? bakit ba ko interesado? Sana maging friends talaga kami.Text ko nga sya.
To: Sharmaine
Hello Sharmaine! Francis to. Goodnight. ;)
✔ Message sent
Fr: Sharmaine
Goodnight din! see you tomorrow.
Next Day
To: Sharmaine
Goodmorning Beautiful :)
✔ Message sent
Sharmaine's POV
Nagising ako sa Vibrate ng phone ko, sino naman magtetext ng ganitong oras? Pagtingin ko si Francis.
Fr: Francis
Goodmorning Beautiful :)
Ang aga naman gumising nito? San ba pumapasok to.
To: Francis
Hello! Goodmorning. Ang aga mo gumising :) saan ka ba pumapasok?
--
Fr: FrancisHaha. Sa FEU ikaw?
--
To: FrancisAh kaya pala, mejo malayo. Dun ako sa Jose Rizal University.
--
Fr: FrancisAh mejo malapit lang
--Maliligo na ko, agahan ko nga ang pasok ngayon. Si Francis kasi e, nagising na tuloy ako ng wala sa oras. -__-
Pagtapos ko maligo at magbihis nagluto nako, ginising ko na din yung kapatid ko para kumain.
"Bunso kain na, si Kuya? may pasok ba"
"Nilalagnat si Kuya Robert, Ate"
"Nye, pano yan wala sila Mama"
"Kaya na nya yun! Ate"
"Okay may gamot naman jan sa Ref, ang tagal na ng lagnat nya ah? si Angelo? tulog?"
"Opo Ate, tulog"
Pagkatapos namin kumain, papasok nako, mamaya pa ng konti ung kapatid ko e.
Paglabas ko ng gate, sinalubong ako ni Francis.
"Oh Francis, papasok ka na?"
"Oo pupuntahan palang kita e"
"Ah okay"
"Ano oras uwian nyo?"
"Hmm? 5:20 bakit?"
"Wala lang, hehe"
"Oh san ka pupunta?"
"Ihahatid kita, okay lang ba?"
"Ah sure basta ba hindi ka male-late"
"Mamaya pa pasok ko, 8:30 kaya okay lang"
"Eh ba't ang aga mo?"
"Ihahatid nga kasi kita" :)
"Ah sige tara na nga, salamat"
"Halika"
"Saan?"
Sumunod naman ako, sa garahe nila, tapos binuksan nya yung pinto ng kotse nya.
"Sakay kana Sharmaine" :)
"Ah thanks"
"Let's go?"
Nag nod lang ako tapos umalis na kami, tinuro ko sakanya yung papunta sa school namin. May sasakyan pala syang sarili. Pagdating namin sa School. Bumaba sya at binuksan yung pinto ng sasakyan tapos bumaba nako.
"Thanks Francis ah" :)
"Welcome, Bye! pasok kana." :)
Nakangiti nya kong pinagmasdan habang pumapasok ako sa gate, pag lingon ko, kunaway ako sakanya, kumaway din sya at umalis na.
Pagdaan ko sa Hallway, nakasalubong ko si Mitch.
"Hey girl! wazzap?"
"Aba? gumaganyan kana ngayon Mitch! Yan ba natutunan mo kay AJ? haha!"
"Ay ano ba kayo? naisip ko lang yun! haha"
"Haha! namiss ko kayo, wow parang ang tagal di nagkita e nuh? tara na pasok na tayo sa kanya kanya nating mga room."
"Okay bye! see you later! Mitch!"