Friendship never ends.
-----
"Uwian nanaman, tapos bukas walang pasok""Bakit?"
"Linggo bukas! ano ka ba"
"Ay! oo nga. Oh tapos?"
"Wala naman Julia, miss ko na yung dati, lagi tayong magkakasama, tayong apat"
"Wala e, may boyfriend na ulet si Mitch"
"Oo nga, tara kain na muna tayo"
"Saan tayo kakain?"
"Tokyo-tokyo tayo? parang gusto ko ng California Maki"
"Haha! your favorite!"
"Yes." :)
Pagdating namin dun, umorder na kami.
"Tara dun tayo umupo, malapit sa Aircon. Haha!"
"Sige dun tayo Sharmaine"
"Alam mo ba Julia, nalulungkot parin ako. May time na umiiyak parin ako sa gabi, bago matulog. Oo dalawang buwan na ang nakalipas, pero namimiss ko sya e, lalo na't nakikita ko sya minsan sa School"
"Oo alam ko yan Sharmaine, mahirap naman talaga mag move on e, lalo na't tatlong taon kayo, tapos sa di mo inaasahan, magkakagusto sya sa iba"
"Sobrang hirap Julia, nahihirapan ako. May time kasi na pag naaalala ko sya, sobrang hirap. Hindi ako maka-kain, hindi ako makatulog, dumating pa nga sa point na binalak ko ng magpakamatay. Pero hindi ko tinutuloy, pinipilit kong makatulog"
"Hayaan mo Sharmaine, nandito lang ako, kaibigan mo, di kita iiwan, alam kong strong ka, kakayanin mo yan. Just trust The Lord" :)
"Thanks Julia" :)
Pagkatapos namin kumain tumingin tingin kami ng mga damit dito sa Mall, tapos binili namin.
"Uwi na tayo? Julia. Anong oras na"
"Sige tara na, 7:00 pm na"
Malapit lang naman yung bahay namin sa isa't-isa. Yung sakin sa pinakang dulo pa yung street, yung bahay nila sa pangatlong street lang.
Pagdating namin sa Village, nauna na syang bumaba.
"Bye Sharmaine!"
"Bye Julia!" :)
Pagdating ko sa bahay, wala sila Mama :(
"Angelo, sila Mama?"
"Umalis ulit, pero punta ka sa Garden, may surprise sila sayo"
"Weh? anong surprise?"
"HAHA! Surprise nga e, dali na! punta kana, matutuwa ka"
Na excite ako dun ah, pagpunta ko sa garden, may tuta na nakakulong sa bahay nya.
"Wow! Syberian Husky! Girl sya."
"Haha. Sabi ko sayo e, matutuwa ka"
"Eto ung matagal ko ng hinihiling kila Mama e!"
"Talaga? matagal na? dala nila yan kanina e. Para sayo daw"
"An cute!! nakakaiyak naman!"
Maya maya pa dumating na sila.
"Mama!"
"Oh Anak nakita mo na ba ung gift ko sayo?"
"Opo Mama! gustong gusto ko sya. Thankyou Mama, Papa!"
Tapos niyakap ko silang dalawa.
Grabe, nawala yung lungkot ko, ano kaya ipapangalan ko sakanya? Hehe
Tinawagan ko si Julia para sabihin na may Husky nako! yihee!
Calling Julia...
"Juliaaaaaa!"
"Oh? ano nangyari bakit ka sumisigaw?"
"Hehe! sorry. Meron nakong Huskyy!"
"Talaga! matagal mo nang gusto yan ah?"
"Oo nga e, tuwang tuwa nga ako e Julia, nawala yung lungkot ko. Hihi, may bago na kong Baby!"
"Haha! babae ba? ano pangalan nya?"
"Oo Babae sya, iniisip ko pa yung pangalan nya e"
"Haha! sige isipin mo muna"
"Alam ko na! Shalia"
"Huh? bakit Shalia. Pero ang ganda"
"Sharmaine + Julia = Shalia"
"Wow! ang galing mo Sharmaine ha! satin mo talaga pinangalan"
"Haha! syempre! para san pa ang pagiging mag bestfriends naten noh?"
"Haha! Sweet!"
"Tamang tama walang pasok bukas, ipapasyal ko si Shalia, sama ka umaga"
"Sharmaine, alis kami nila Mama e"
"Ay ganon? sige nextime nalang"
"Oo, ayoko nga sumama e! nakakatamad pero kailangan"
"Bakit?"
"About sa Business e"
"Ahh kailangan mo nga sumama, hehe"
"Oo nga e, hayst! Kainis tapos maaga pa gigising."
"Kung ganon matulog kana, maaga ka pa gigising, hehe"
"Oo nga e, sige Bye!"
"Goodnight"
*Call ended
Ang saya saya ko ngayon dahil may bago akong pet, hihi. Hindi nako masyadong malulungkot. Sobrang cute nya tuta palang sya. :)
Pagsilip ko sa bintana, gawa na pala yung bahay sa tapat namin. Hmm? sino kaya titira jan..
"Sharmaine?"
"Pasok, bukas yan"
"Sharmaine laro tayo Cards"
"Sige! anong laro?"
"Monopoly Deal"
"Ey! nako magaling ka na jan e"
"Haha! laro na tayo"
"Oo game."
Nasa kalagitnaan na kami ng laro, tss! matatalo pa yata ako e. Kainis naman.
Maya maya, naka buo na ko ng tatlong properties.
"I won!"
"Haha! wala madaya!"
"Baliw! Anong madaya ka jan!"
"Haha! sige na nga! panalo ka na"
"Hehe, tulog na tayo Angelo"
"Ge! Goodnight.."
"Goodnight!"
"Lilipat na nga pala bukas yung titira jan, sa tapat"
"Oh talaga? buti, may bago tayong kapit bahay"
"Oo nga e, Ge goodnight"
-end of this chapter