Chapter 1

81 4 0
                                    

Kahit gaano pa kadaming LALAKI at BABAE sa mundo, kung inlove ka talaga, hindi ka na maiinlove pa sa iba.
-----
"Bunso?"

"Po ate!"

"Kuha mo tubig si Ate"

"Okay Ate"

Kumuha sya ng tubig

"Ate eto na, may sakit ka ba teh? ba't ganyan itsura mo?"

"Oh Sharmaine, may problema ba?" singit naman ni Kuya Robert na pinuntahan din ako dito sa room ko.

"Wala to Kuya" tapos naglaro nalang ako ng Clash of Clans para makalimutan ko muna ung heartbreak ko.

"Sus. ako pa niloko mo Sharmaine. anong problema? si Jacob ba?"

"Hah?" nako patay "hindi ah? may date nga kami mamaya kaya lang iniisip ko parang ansama ng pakiramdam ko, halata naman diba Kuya, sana makapunta ako."

"Humanda sakin si Jacob pag nalaman ko lang na sya dahilan nyang pagka depressed mo"

"Hay nako Kuya" biglang tumawag si Julia

"Hello? Julia" buti nalang tumawag si Julia, natapos din pag uusap namin ni Kuya Robert

"Punta ka dito sa Tambayan naten, Starbucks, kasama ko sila Mitch at Shena"

"Ah okay sige wait lang ha, di pa ko bumabangon sa kama e, teka nakagawa na ba kayo ng Project kay Ma'am Javier?"

"Di pa, later na"

"Okay. sige wait nyo ko"

"Ge."

Pag dating ko dun, hinanap ko sila.

"Sharmaine!"

"Hi Guys!" tapos nag beso ako sakanila

"Sharmaine, ano na balita? nalaman namin problema mo kaya gusto ka namin maka usap"

"Guys naka usap ko na sya kagabi"

"Oh?? kwento ka naman!"

*Flashback*

1 new text message received

From: Jacob ❤

"Usap tayo. nandito ako sa park, aantayin kita"

Pag dating ko dun nakita ko sya naka upo sa swing, nilapitan ko sya agad then lumingon sya.

"Sharmaine dumating ka." Niyakap nya ko. "Miss na kita, sorry naging cold ako sayo these past few days. nagka problema lang pero naayos ko na. Mahal na mahal kita Sharmaine"

Bumitiw ako sa pagkakayakap nya sakin. "Miss mo ko? paki explain naman kung ano to?" tapos may pinakita akong picture sa cellphone ko ung nasa park sila na kiniss sya nung girl. nagulat sya nanlaki mata nya.

"Ano ibig sabihin nito hah? Jacob" hindi sya makapag salita parang na gi-guilty sya.

"Ahm. Sharmaine"

"Jacob kelan pa?!" nangingiyak-iyak na ko pero pinipigilan ko. ayoko makita nya na umiiyak ako nuh?

"I'm sorry"

Pagkasabi nya nun, sinampal ko sya

*slap*

"Kulang pa yan sa sakit na pinaparamdam mo sakin ngayon, Jacob. Bakit mo ginagawa sakin to? 3 years tayo. Yung 3 years na pagmamahalan naten sisirain mo lang basta-basta, ganun ganun na lang? ha?!"

"Sharmaine, Let me expl..."

Hindi ko na sya pinatapos, umalis nako. hindi ko na kaya naiiyak na kasi ako e, gusto ko na mag wala!

"Spin the Bottle"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon